Julie Anne San Jose nagpabilib sa solo cover ng rap song na “Bagsakan”; Chito Miranda ng Parokya ni Edgar, bumilib

  • Gumawa ng kanyang cover ang singer na si Julie Anne San Jose ng rap song na Bagsakan
  • Hindi naman binigo ni Julie ang kanyang fans at pinatunayang hindi lamang siya biritera
  • Napahanga rin ni Julie ang isa sa mga original singer ng rap song na si Chito Miranda

Ngayong umiiral pa rin ang quarantine sa malaking bahagi ng bansa, ang mga paborito nating artista ay nasa bahay lang din. Ngunit kahit nasa kanilang tahanan, ang ilan ay hindi pa rin maaawat sa pagpapasikat at pagpapasaya ng kanilang mga fans.

Isa sa mga ito ay ang Asia’s Pop Sweetheart na si Julie Anne San Jose. Trending ngayon ang song cover niya ng sikat na rap song ni Francis Magalona, Chito Miranda, at Gloc 9 na Bagsakan. Pinatunayan ni Julie Anne na hindi lamang siya isang biretera, kung hindi isa ring rapper.

Larawan mula sa YouTube

Solong inawit ni Julie Anne ang buong awitin. Sinabi ng Kapuso singer sa isang panayam na hindi madali ang kanyang naging karanasan sa pag-cover nang buong kanta. Ayon sa kanya, bagaman ay naawit na niya ito nang makailang ulit sa TV shows, may kasama naman daw siya noon at hindi solo.

Dahil sa bilis ng palitan ng rap ng tatlong OPM rap icons, kinailangan daw ni Julie na aralin ang buong kanta at kinailangan niyang mag-practice ng ilang beses. Pinakamadali na raw sa kanya ang part ni Gloc 9 na laging natotoka sa kanya.

“Ngayon ko lang na-try na gawin mag-isa ‘yung full song. Hindi talaga siya madaling gawin,” the singer said. “Nakakabulol at nakakauhaw dahil tuloy-tuloy ang rap,” pahayag ni Julie Anne.

Pero ang mga bahaging kinanta nina Francis M. at Chito ay bago kay Julie. Pero hindi naman binigo ni Julie ang kanyang mga fans, dahil nagawa nang maganda ang kanyang cover ng rap song kahit pa sabi ni Julie Anne na “for fun” lang ito.

Sa ngayon ay may mahigit 80,000 views na ang cover na ito ni Julie Anne sa YouTube at naka-upload rin sa ibang social media accounts ng actress, singer. At isa sa mga nakapanood ay ang original singer ng Bagsakan na si Chito ng Parokya ni Edgar.

Larawan mula sa Instagram post ni Chito Miranda

Ayon sa komento ni Chito sa kanyang Bagsakan cover, “iba ka talaga,” na nagpakilig naman kay Julie na umaming super fan ng banda. Una na ring pinuri ni Chito si Julie Anne dahil sa isang performance sa Studio 7 ng parehong kanta.

Aprub din kay Chito ang ginawang cover ni Julie ng kanta nilang Your Song na naging single pa ni Julie Anne sa isa sa kanyang mga album noong nakaraang taon.

Panoorin ang cover ni Julie Anne ng Bagsakan:

Source :

YouTube, GMA News

Loading…