Kahinaan ng mga taga-hugas: Napakamot-ulo ka rin ba habang hinuhugasan ang nanigas na kanin sa plato at kubyertos?

  • Bahagi na ng ating pang-araw-araw na pamumuhay ang paghuhugas ng plato
  • Ngunit kung minsan, pr0blema ang dulot ng mga nanigas na kanin sa mga kubyertos
  • Mas pahirapan kasi itong sabunin at hugasan kaya naman dagdag pasanin sa mga taga-hugas

Bilang ilang beses tayong kumakain sa loob ng isang araw, ilang beses din tayong kailangang maghugas ng mga kinainan. Minsan, labag pa sa loob natin ang mag-urong ng mga pinggan, kubyertos, at mga kaserola. Pero alam na natin ang eksena kapag hindi tayo naghugas — ang walang humpay na sermon ni nanay.

At kung mapipilitan kang maghugas, hindi pa rito natatapos ang iyong pr0blema. Kung minsan, may mga kagamitan na tila pagsub0k kung hugasan. Lalo na ang mga nanuyong sebo at kanin sa mga kubyertos at plato na nagpapakunot noo sa atin.

Larawan mula sa Facebook post ni Erroljohn Carbonel

Ito ang naging diwa ng post ni Erroljohn Carbonel sa Facebook group na We Are 90’s.

Ibinahagi niya ang larawan ng isang sandok na may matitigas nang butil ng kanin. Kapag ganito na kasi katigas ang kanin sa sandok, napakahirap na nitong tanggalin at kailangan ng pagkuskos na walang humpay.

Marami namang katulad ni Erroljohn na napapakamot-ulo na lang din kapag naghuhugas ng ganitong kubyertos. Relate na relate ang mga nagkomento na dagdag pa raw sa tagal ng paghugas nila ang mga natuyong kanin. Marami na nga raw silang huhugasan, dagdag trabaho pa ang mga ganito.

Nagbahagi naman ng tips ang iba kung paano mapadadali ang kahinaang ito ng mga taga-hugas. Diskarte raw ng ilan, ibabad raw muna ito sa tubig para lumambot. Habang nakababad, hugasan daw muna ang ibang kagamitan.

Ang iba naman na may tubig sa tjermos o may water dispenser, sa mainit na tubig daw ito ibinababad upang mas madaling maaalis at lumambot. Ang ilan namang desperado na, dadaanin na lang daw talaga sa paspasang kudkod.

Larawan mula sa Freepik

“Ibinababad ko muna sa mainit na tubig yan kasi nakakainis minsan,” komento ng isang netizen sa post na ito ni Erroljohn.

Ang ilan naman, upang maiwasan na ang ganitong pagtigas ng kanin, pagkatapos daw gamitin ng sandok ay ibababad na nila agad sa tubig upang hindi na manigas pa at mas madali na nilang mahugasan.

Test of patience ba o test of pamamaraan?  Lol

Loading…