Kahit nasira ang cake: Netizen pinuri ang rider na bike pala ang gamit sa pagde-deliver

Imahe mula sa Facebook | Marga Katrina Lucena
  • Ibinahagi ng isang netizen ang kaniyang paghanga sa delivery rider na bike pala ang gamit
  • Kahit nasira ang cake na ipinabili ay nagawa pa nilang i-pictorial ito dahil mukha pa rin namang masarap
  • Hiling niya, sana ay maging mas maunawain ang mga customer sa mga maliit na pagkakamali ng mga delivery riders

Sa halip na mainis dahil nasira ang cake na pinabili ay humanga pa ang isang pamilya sa rider na bike pala ang gamit sa pagde-deliver.

Imahe mula sa Facebook | Marga Katrina Lucena

Kuwento ng netizen na si Marga Katrina Lucena, nagulat sila nang dumating ang rider na nag-alok na isabay sila sa pagbili ng cake.

“Noong nakita namin ni Mama na naka-bike pala [yung rider], expected ko na wasak yung cake. Kahit naman naka-motor, mawawasak pa rin ‘pag bitbit lang tapos ang init pa,” sabi ni Marga sa post na ngayon ay may 31k reactions na.

Inisip daw nilang magkapatid na madi-disappoint ang kanilang ina ngunit nagbigay pa raw ito ng tip sa driver.

“Todo defend na kami ng kapatid ko…’Ganyan talaga, Ma. Dahan dahan naman siguro yun si Kuya.’ Pero tumawa lang siya tapos sabi niya, ‘Okay na ‘yan,’” ani Marga.

“Natuwa lang ako kay Mama kasi ako mismo ay naiinis sa mga nagrereklamo [sa social media] na sira yung cake tapos…ipapahiya pa sa FB.”

Imahe mula sa Facebook | Marga Katrina Lucena

Sa huli ay nagawa pa raw nilang i-pictorial ang cake dahil kahit sira ay mukha pa rin naman itong masarap.

Humanga rin sila sa delivery rider na gumagawa ng paraan upang kumita pa rin sa gitna ng kinahaharap na krisis sa bansa.

Hiling niya rin na sana ay huwag nang mag-rant sa social media ang mga customer kapag sira ang cake na dumadating sa kanila dahil sadyang mainit ang panahon ngayon.

“Sana lang mabawasan yung mga nagrereklamo tungkol sa mababaw na bagay kasi swerte ka pa rin naman na may kakainin ka,” aniya.

“To the people who keep on humiliating riders/delivery men on social media, the last thing we need right now is degrading people who are providing us services we cannot provide for ourselves.”

Source :

Facebook

Loading…