Kapitan sa Caloocan City itinanggi ang akusasyon na hinahati raw ang SAP ng mga benepisyaryo

  • Kontrobersyal ang isang kapitan sa Caloocan City dahil sa diumano’y pakikialam nito sa natanggap na SAP ng mga nasasakupan
  • Nais daw kasi ni Kap na hatiin ang P8,000 cash aid ng isang residente para ibigay sa iba, na labag naman sa utos ng DSWD
  • Itinanggi naman ito ng kapitan at sinabing walang ganitong ipinatutupad sa kanilang barangay

Balot pa rin ng kontrobersya ang pamamahagi at pagtanggap ng social amelioration program (SAP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa ilang lugar sa bansa. Iba’t ibang reklamo ang kinahaharap ng mga namamahagi mula sa mga nakararanas umano ng anomalya sa dapat ay malaking ayuda sa kanila ng pamahalaan.

Isa sa mga viral na reklamo ngayon ay ang diumano’y sapilitang paghahati ng isang barangay captain sa Caloocan City ng SAP ng kanyang mga nasasakupan. Nakuhanan ito ng video ng isang netizen na ayaw magpakilala.

Larawan mula sa PNA

Sa video, maririnig ang boses daw ni kapitan Lee Vitug mula sa Barangay 127 sa Caloocan na pinagsasabihan ang kausap sa video na ibigay ang kalahati ng kanilang SAP sa iba. May kahati raw kasi talaga sila sa ayudang natanggap mula sa DSWD.

“May kahati ka, ganoon yun. May kahati kasi kayo eh. Hindi naman solo yun eh. Ako nga nagbigay… Ako na nagpaalala na bibigyan kayo eh. Kaso nga, may kahati-hati kayo…” pahayag ng kapitan sa video na ipinalabas sa 24 Oras ng GMA News.

Nang makitang nagvi-video na ang panig ng pamilyang binabawian ng nakuhang ayuda sa SAP, agad namang umalis ang kapitan kasama ang dalawang barangay staff members. Pero ilang sandali lang, may dumating na lalaki at kinukuha raw ang kanyang parte sa ayuda.

Dahil sa tak0t ng lalaki at kanyang mga kaanak, pumayag na silang ibigay ang dalawang libong pisong ayuda dahil ito na lang daw ang hinihingi ng lalaki at hindi na ang kabuuang apat na libong piso.

May isa ring residente ng barangay na nagulat na lang daw na may nag-abot sa kanya ng P4,000 kahit wala naman siyang SAC form na pinirmahan. Dala raw ng kagawad ng barangay ang pera at pilit na iniaabot sa lalaki ngunit hindi naman niya tinanggap.

Larawan mula sa video ng GMA News

Itinanggi naman ng kapitan ang mga alegasyon sa kanya. Ayon kay Vitug, lahat daw ay direktang ibinigay sa mga kabarangay niya at sila raw ay tumutulong lang sa pamamahagi at walang anumang maling ginagawa.

“Wala hong katotohanan ho ‘yun. Lahat ho diretso hong ibinigay sa mga tao ang pera ng DSWD, ho. Tayo po ay nag-assist lang sa mga tao, mga kabarangay natin,” pahayag ni Vitug sa GMA News.

Panoorin ang report kaugnay sa diumano’y anumalya sa pamamahagi ng SAP sa Caloocan:

Source :

YouTube, GMA News

Loading…