Kathryn Bernardo, mas komportableng hindi naisasapubliko ang mga naitulong sa kapwa

  • May mga ispesipikong pangalan ng mga artista na trending sa social media ang pagtulong sa kapwa ngayong may COVID-19
  • Sa kabila nito, lagi pa rin nating alalahanin na mas marami ang tumutulong nang hindi na isinasapubliko pa ang mga naiambag
  • Ganito rin ang paniniwala ng aktres na si Kathryn Bernardo na ang tanging punto ay ang makatulong

Maraming artista ang gumagamit ng kanilang sariling ipon, talento, at impluwensiya upang makakalap ng donasyon at makatulong sa mga Pilipino sa panahon ng ating pakikipaglaban sa COVID-19.

Marami ring artista ang aktibo sa kanilang mga social media accounts upang makapagbigay ng anumang updates hinggil sa kanilang pagtulong o maibibigay na tulong sa kapwa na nangangailangan, at walang masama sa ganitong pagbabahagi.

Imahe mula sa Pixabay

Gayunman, may mga sikat na personalidad din ang naniniwala na hindi na kailangang maisapubliko ang anumang kanilang naiambag o naitulong sa kanilang kapwa.

Halimbawa na rito ang aktres na si Kathryn Bernardo na nagpahayag ng kaniyang saloobin hinggil sa nabanggit na paksa nang mag-guest ito sa online version ng “Magandang Buhay” kung saan isa sa mga host nito ang nanay ng kaniyang kasintahang si Daniel Padilla.

“Hindi lang siguro ako comfortable. Minsan kasi iba ‘yung dating kapag artista tapos tumulong. Para iwas lang, alam mo ‘yun? Basta makatulong, ‘yun lang naman ‘yung point,” paliwanag ni Kathryn.

Sa payak na paraan, nakatulong si Kathryn sa kaniyang mga kababayan nang hindi naisasapubliko. Gayunman, hindi mapipigilan ang mga nais magpasalamat sa kabutihan ni Kathryn na nagpost sa kani-kanilang social media account ng mga naitulong sa kanila ng aktres.

Halimbawa nito ang isang barangay na nakatanggap ng donasyon mula sa aktres na ibinahagi nila ang larawan sa social media.

Imahe mula sa Facebook account ni Kathryn Bernardo

May mga bata at frontliners din na nakatanggap ng donasyon mula sa aktres batay na rin sa mga larawang ipinakita ng “Magandang Buhay.”

Binigyang-diin ni Kathryn na hindi man siya nakalalabas ng bahay, ang mahalaga ay nakararating sa iba ang kaniyang tulong.

Source :

YouTube

Loading…