Kaway-kaway sa mga ‘nakalaya’ ngayong ECQ: Hindi pagsusuot ng bra, mabuti sa kalusugan ng mga kababaihan

  • Dahil sa community quarantine, tiyak na marami sa mga kababaihan ang nakaramdam ng ‘kalayaan’ sa hindi pagsusuot ng bra
  • Nakagagaan naman talaga sa pakiramdam ang hindi pagsusuot ng bra kahit man lang sa loob ng bahay
  • Naging usapin ito sa social media nang may mga negatibong komento na natanggap si Julia Barretto hinggil sa isa niyang larawan

Nagbahagi si Dra. Vicki Belo ng kaniyang saloobin hinggil sa mga negatibong komento sa isang larawan ni Julia Barretto na ipinaskil nito sa Instagram. Mahahalata sa larawan ni Julia na noon ay nakaputing shirt na ito ay walang suot na bra.

Imahe mula sa Facebook page ni Julia Barretto

“Julia Barretto’s post got some negative comments when she posted a photo of her lounging at home braless. I think Julia is right. Sometimes, it’s better not to wear a bra if your lounging around the house, and especially if your breasts are not over a B cup or are not sagging,” paliwanag ni Belo.

Ayon pa sa doktora, ang hindi pagsusuot ng bra ay nakapagdudulot ng maayos na sirkulasyon ng dugo partikular sa bahagi ng dibdib at baga.

Dagdag pa ni Belo, ang bra straps na umiipit sa bahagi ng ating mga balikat at leeg ay nakapagdudulot ng sakit sa leeg.

Gumamit pa si Dra. Belo ng #LetTheBreastBreath upang makapagmulat sa mga netizens hinggil sa isyu.

Bilang karagdagan, ang pagsusuot o hindi pagsusuot ng bra ay personal na kagustuhan ng isang babae. Wala dapat magdikta sa kaniya kung ano ang kaniyang dapat na maging desisyon ukol dito.

Ayon naman sa wellandgood, nakatutulong ang hindi pagsusuot ng bra sa mga kababaihan sa pagkakaroon ng maayos na muscle tone at hugis ng dibdib.

Imahe mula sa Pixabay/Myriam Zilles

Nakadaragdag din ito ng ibayong komportableng pakiramdam at mas magandang kutis ng balat sa dibdib.

Kaya kaway-kaway sa mga kababaihang “nakalaya” mula sa mga nakasanayang bra ngayong ECQ!

Loading…