KC Concepcion inaming pagtaas ng timbang dahil sa PCOS ang dahilan ng pagtanggi sa mga proyekto

Imahe mula sa Instagram | KC Concepcion
  • Ipinaliwanag ni KC Concepcion na nagkaroon siya ng PCOS kaya matagal din siyang hindi tumanggap ng mga proyekto
  • Naging dahilan daw ito upang tumaas ang kaniyang timbang kaya minarapat muna niyang huwag tumanggap ng mga offer
  • Ngayon ay mas maayos na ang kaniyang kalusugan at handa nang magbalik sa showbiz

Ibinahagi ng aktres na si KC Concepcion ang dahilan kung bakit matagal-tagal na rin nang huli siyang tumanggap ng proyekto sa showbiz.

Imahe mula sa YouTube | Tim Yap

Sa Facebook live ni Tim Yap ay ikinuwento ni KC na bagama’t malaki ang pasasalamat niya sa tuwing may dumarating na offer ay minarapat niyang tumanggi muna sa mga ito dahil may polycystic ovary syndrome (PCOS) siya.

Ayon sa Rite Med, ito ay “hormonal disorder kung saan nagkakaroon ang babae ng mga maliliit na cyst sa kanyang obaryo.”

“I want to be super open about this because this is something I also want to talk about in the future. I was diagnosed with PCOS and that caused me to gain so much weight,” paliwanag ni KC.

Dahil sa pagtaas ng timbang ay minarapat niyang huwag na munang tumanggap ng mga proyekto.

“I wanted to always be at my best and be physically fit and I want to look good and I want to get my body tight. When I look good and feel good…that is what I serve people on screen and it’s as simple as that,” aniya.

Imahe mula sa Instagram | KC Concepcion

Sa tulong naman ng kaniyang OBGYN ay mas maayos na ang kalagayan ni KC sa ngayon kaya naman handa na siyang muling tumanggap ng mga proyekto.

“I’m super healthy now. I eat so well. I take my supplements. I try to be as active as I can be especially now in this situation. You want to make sure na healthy ka,” aniya.

“I will say yes to projects when they come. I’m ready now. I have lost a lot of weight and at the same time, I feel good about coming back and reconnecting with the fans. I am always grateful.”

Ayon sa Pep, 2014 pa nang huling mapabilang sa teleserye si KC at mula noon ay nag-focus na lamang siya sa kaniyang jewelry line.

Source :

YouTube, Pep, RiteMed

Loading…