Kim Chiu naglabas ng ‘Bawal Lumabas’ shirts; kikitain mapupunta sa food packs at mass testing project ni Angel Locsin

Imahe mula sa Instagram | Kim Chiu at Bawal Lumabas Merch
  • Matapos ang matagumpay na launch ng full version ng kantang ‘Bawal Lumabas’ ay merchandise naman ang inilabas ni Kim Chiu
  • Nagbebenta siya ng limited edition t-shirts sa halagang P295
  • Ang kikitain dito ay mapupunta sa food pack donations at sa mass testing project ni Angel Locsin

Tuluyan nang nakabawi ang aktres na si Kim Chiu mula sa pagkalugmok dahil sa natanggap niyang bashing sa viral na pahayag niyang “Bawal Lumabas” lalo na ngayon at isa na itong ganap na kanta ngayon.

Imahe mula sa Instagram | Bawal Lumabas Merch

Matapos na maging matagumpay ang pag-launch sa awiting ito ay “Bawal Lumabas” merchandise naman ang sunod na inilabas ni Kim. Isa ito sa mga iminungkahi sa kaniya ni Adrian Crisanto na nagsulat ng open letter para sa kaniya.

“[O]ne at a time. Kanta tapos ngayon ‘Bawal Lumabas’ merchandise. Hindi para pagkakitaan ko. Kasi alam ko naman na marami sa ating mga kababayan ngayon na hindi pa talaga pwedeng lumabas,” aniya.

May tatlong disenyo at limang kulay ang limited edition t-shirts na ibinebenta niya sa halagang P295. Makikita ang mga ito sa Instagram.

Mapupunta ang kikitain niya rito sa food packages para sa mga nangangailangang pamilya.

Imahe mula sa Instagram | Bawal Lumabas Merch

Nakipag-tandem na rin siya sa kapwa aktres na si Angel Locsin upang makatulong sa mass testing efforts ng gobyerno.

“Nakipag-partner na rin ako kay Angel Locsin sa kanyang mass testing project. So food packages and mass testing,” sabi ni Kim. “Sumisilip po ang pag-asa na one day, puwede na tayong lumabas. This is a very hard moment ngayon na meron tayo. Kaya magtulungan tayo.”

Nagpasalamat din siya sa mga bashers na dahilan ng pagsikat ng kaniyang kanta. “’Pag napakikinggan ko yung kanta, hindi na masakit sa dibdib ko. Parang kapag naririnig ko siya, ang saya ko na. So we turned something bad into something beautiful. Thank you sa bashers and sumuporta sa kanta,” dagdag niya.

Loading…