Korina Sanchez pinatulan na ang mga kritiko sa social media

  • Pumukaw sa atensiyon ng mga netizens ang pagiging aktibo sa pagsagot ng batikang mamamahayag na si Korina Sanchez sa mga komento sa kaniya sa social media
  • Matapang na nakipagsagutan si Korina sa kaniyang mga bashers at trolls
  • Dumating din sa punto na naikukumpara siya kay Jessica Soho

Markado sa mga netizens ngayon ang batikang mamamahayag na si Korina Sanchez-Roxas dahil sa pagiging aktibo nito sa pagsagot sa mga komento sa kaniya sa social media, lalo na sa mga trolls at bashers.

Imahe mula sa Instagram account ni Korina Sanchez-Roxas

Mula nang pansamantalang mamaalam sa ere ang ABS-CBN noong Mayo 5, ang mga dating post ni Korina sa Instagram tungkol sa kaniyang kambal na anak ay nahaluan na ng mga post tungkol sa politika o sa isyung kinakaharap ng Kapamilya channel.

Naramdaman ng mga fans ang pagiging palabang mamamahayag ng misis ni dating senador at dating DILG secretary na si Mar Roxas. Ngunit kasabay nito ang pagdami ng mga nagkokomentong bashers at trolls sa kaniya.

Umabot din sa punto na kinukuwestiyon na ang propesyon ni Korina at naikumpara pa siya sa kapuwa niya mamamahayag na si Jessica Soho.

May sikat na programa ang dalawa na inaabangan ng mga manonood tuwing Linggo ng gabi. Ang Rated K ni Korina at ang Kapuso Mo, Jessica Soho ni Jessica.

Dumating pa nga sa punto na magkasabay na umere sa telebsiyon ang mga programang ito ng dalawa, subalit naungusan sa ratings ang programa ni Korina kaya nagpapalit-palit ito ng timeslot. Gayunman, hindi ito dapat maging batayan upang hamakin ang kredibilidad ng isa.

Mga imahe mula sa Instagram account ni Korina Sanchez-Roxas

Si Korina ay nagsimula at nagtagumpay ang karera sa ABS-CBN bilang mamamahayag. Marami na rin siyang parangal na natanggap mula sa loob at labas ng ating bansa dahil sa husay at dedikasyon niya sa larangang ito.

Siya ang kasalukuyang chief correspondent ng Integrated News and Current Affairs Division ng ABS-CBN. Isa rin siyang kolumnista sa pahayagan.

Loading…