Kulot NOT salot: Netizen may mensahe sa kababaihan na may kulot na buhok

  • Ibinahagi ng isang netizen ang kaniyang mga natutunan bilang isang babae na ipinanganak na may kulot na buhok
  • Aminado si Shasha Patricio na ginusto niya noong itago ang kaniyang pagiging kulot dahil sa beauty standard na dala ng pagkakaroon ng tuwid na buhok
  • Ngayon naman ay natutunan na umano niyang pahalagahan ang kaniyang natural na buhok at ituring itong parte ng kaniyang pagkatao

Isa ka rin ba sa maraming Pinay na ipinanganak na may kulot na buhok? O ‘di kaya isa ka sa mga nagpapa-rebond para itago ang iyong natural na buhok?

Imahe mula kay Shasha Patricio | Facebook

Sa Facebook noong May 23, ibinahagi ng isang Pinay netizen ang kaniyang mga saloobin bilang isang babae na biniyayaan ng natural na kulot na buhok simula pa pagkabata.

Sa post ni Shasha Patricio, inamin niya na sumubok siya ng iba’t ibang paraan para itago ang kaniyang pagiging kulot dahil sa beauty standard na dala ng pagkakaroon ng tuwid na buhok.

“I have damaged my hair so much in the past desperately wanting to have that straight, rebonded look every teenager had dreamed of,” ani Shasha.

“Beauty standards labeled straight hair as beautiful. Never was curly hair appreciated. It was quite seen as a curse and not an asset. Rebonding and hair straightening was the all time trend,” dagdag niya.

Kuwento pa ni Shasha, ilang beses siyang nagpa-rebond ng buhok upang madagdagan ang confidence na nararamdaman sa sarili.

“My looks were my idol at that time. I wanted what others had. Never contented and satisfied with what I was blessed with,” aniya.

Ngayon naman ay natutunan na umano niyang pahalagahan ang natural na uri ng buhok na mayroon siya at hindi na niya ikinahihiya ang pagtubo nito.

Imahe mula kay Shasha Patricio | Facebook

“Deciding to grow out my natural hair was one of my best decisions. The process was not easy. And what I saw before as a curse is now one of my best physical asset,” sabi ni Shasha.

Ayon pa sa kaniya, hindi dapat ikinahihiya ng kababaihan kung sila man ay ipinanganak na may kulot na buhok.

Bahagi umano ito ng kanilang pagkatao kaya dapat lang na dalhin nila ito nang mga kumpiyansa sa sarili.

Kaway kaway sa mga kulot diyan! Be proud!

Source :

Facebook

Loading…