Kuya Kim, emosyonal sa liham ng pagpapasalamat ng anak na nagtapos ng HS

Imahe mula sa Instagram | Kim Atienza
  • Dahil sa COVID-19 ay hindi nagkaroon ng graduation ceremony ang anak ni Kuya Kim Atienza na nagtapos kamakailan
  • Ngunit upang maipakita niya ang pagmamahal sa ama ay binigyan niya ito ng liham ng pagpapasalamat
  • Ani Kuya Kim, proud siya sa anak at lagi niya itong susuportahan sa kaniyang mga pangarap

Nakatakda sana ang pagtatapos ng 18-anyos na anak ni Kuya Kim Atienza ngunit dahil sa COVID-19 pandemic ay hindi niya magagawang pisikal na kunin ang kaniyang diploma.

Imahe mula sa Instagram | Kim Atienza

Sa kabila nito ay hindi nakalimutan ni Jose Atienza na magpasalamat sa ama sa pamamagitan ng pagbibigay dito ng isang liham.

“Today is my graduation day. Although the day is going to be nowhere near what I expected it to be, it’s gotten me to reflect on who has gotten me to this point,” panimula ng liham ni Jose.

Aniya, mula sa kaniyang pagkabata ay naging magandang ehemplo si Kuya Kim kung paano nakatutulong ang pagmamalasakit sa kapwa. “You’ve ingrained in me a want to help those not as fortunate. To show compassion for others is to show respect for yourself, and it’s because of you that I can live by that statement. I am grateful for that.”

Imahe mula sa Instagram | Kim Atienza

Saksi rin daw si Jose kung paano hinarap ng ama ang bawat pagsubok na dumating sa kaniyang buhay. “You’re the embodiment of what a little perseverance can do for an individual. You’ve managed to overcome every obstacle life has thrown at you and grow as a result, be it physically or spiritually.”

Dahil sa natanggap na liham na ito ay naging emosyonal si Kuya Kim. “You made my day, son. I am proud of you. Fly high as you can and if by chance you fall, papa and mama will always be here to catch you. I love you, dearest @jhaatienza. You are a blessing to us and to all who come your way,” sagot niya sa anak.

Congratulations on your graduation, Jose!

Loading…