Lalaki at alaga nitong aso, hataw sa pagsayaw sa kanilang TikTok video

  • Patok sa social media ang paghataw ng isang lalaki kasama ang kaniyang alagang aso sa kanilang TikTok video
  • Sa post ni Alex Mellena sa Facebook, makikita ang nakaaaliw na pagsayaw nila ng kaniyang aso na kinilalang si Renren
  • Agad namang nag-viral ang kanilang video at umani ng mga positibong reaksiyon mula sa netizens

Agaw-pansin sa social media ang paghataw ng isang lalaki kasama ang kaniyang alagang aso sa kanilang TikTok video.

Imahe sa video ni Alex Mellena | Facebook

Sa post ng netizen na kinilalang si Alex Mellena sa Facebook noong April 29, mapapanood ang nakaaliw na talent ng kaniyang alagang aso na kinilalang si Renren.

“Tiktok with Renren,” sabi nito sa caption ng post.

Kapansin-pansin sa unang bahagi ng kuha ang pagtawag ni Alex kay Renren upang samahan siya sa video.

Batid naman ang saya sa mukha nina Alex at ng aso niyang si Renren nang magsimula nang tumugtog ang sikat na dance music sa TikTok na “You know I’ll go get.”

Hindi nagpahuli ang dalawa sa paghataw at pagbibigay ng saya sa mga manonood sa pamamagitan ng kanilang simple ngunit nakaaaliw na pagsasayaw.

Dahil na rin sa dala nitong aliw sa social media, agad na nag-viral ang post at umani ng iba’t ibang reaksiyon mula sa netizens.

“Wow galing naman ng also mag-TikTok. Hehe,” pagpuri ni AP kay Renren.

“Talino ni doggy. Good vibes,” sabi ni JU.

“Nakaka-good vibes naman si kuya. Sana lahat ganito. Keep safe at ‘wag mainit ulo. Thank you, kuya, gaya sa yo ang mahahalagang tao hindi pasaway kundi nagbibigay saya nakakaalis ng stress, pati aso niyo ang cute,” pahayag ni LB.

“Talented dogie,” sabi naman ni EC sa comment section ng post.

Sa katunayan, umani na agad ang video ni Alex at Renren nang higit 2.8 M views, 145,000 reactions at mayroon na rin itong 140,000 shares sa Facebook.

Source :

Facebook

Loading…