#LearnAsOnePH, aktibong isinusulong ng isang publishing house sa panahon ng pandemic

  • Mahalaga pa ring maisaalang-alang ang patuloy na pagkatuto sa gitna man ng laban kontra COVID-19
  • Isang educational publishing house ang naniniwala na mahalaga pa ring bahagi ng kalusugan ng mga bata ang patuloy nilang pagkatuto
  • Dahil dito, aktibo nilang isinusulong sa social media ang kampanyang “We Learn Together” o ang #LearnAsOnePH

Kailan magsisimula ang school year 2020-2021? Ito ang isa sa mga katanungan ng mga Pilipino sa gitna ng patuloy na paglaganap ng COVID-19.

Bagama’t may panukala na gawin itong Setyembre, may mga magulang pa ring ayaw papasukin ang kanilang mga anak hangga’t walang bakunang magsisilbing lunas sa sakit.

Imahe mula sa Pixabay

Samantala, maaari namang isaalang-alang ang online education at ang “learn at home” tulad ng isinusulong na adbokasiya ng Vibal Group; kilalang educational publishing house sa Pilipinas.

Ang Vibal ay aktibo sa kanilang Facebook page sa pagsusulong ng kampanyang “We Learn Together” o ang #LearnAsOnePH. Patuloy nilang hinihikayat ang mga mag-aaral na ipagpatuloy ang pag-aaral kahit nasa loob lamang ng bahay.

Hinihikayat din nila ang mga magulang na magsilbing pangunahing tagapagturo ng kanilang mga anak. Mas malaki ngayon ang kanilang gampanin sa pagtitiyak na natututo pa rin ang mga bata.

Patuloy ding sinusuportahan ng Vibal ang mga guro sa pamamagitan ng paglulunsad ng libreng “Webinar series” o ng Facebook Live Learning Session.

Isa pa sa mga makabuluhang ambag ng Vibal sa edukasyon ay ang “Learn at Home Kits” na libre nilang ipamamahagi sa mga mag-aaral mula Kindergarten hanggang Grade 10 habang hindi pa nagsisimula ang klase.

“Naniniwala kami na ang patuloy na pag-aaral ng mga bata sa gitna ng pandemic ay importante din para sa kanilang kalusugan,” ayon sa isang Facebook post ng Vibal Group.

Imahe mula sa Facebook page ng Vibal Group

Ayon pa sa post, maaaring makipag-ugnayan sa kanila sa pamamagitan ng pag-PM sa kanilang Facebook page o mag-email sa [email protected] hinggil sa ibabahagi nilang Learn at Home Kit.

Ang Vibal Group ay 67 taon nang katuwang ng mga Pilipino sa pagtataguyod ng de-kalidad na edukasyon sa Pilipinas.

Loading…