LGUs aatasan ng DILG na gumawa ng mga bike lanes bilang paghahanda sa “new normal”

  • DILG, aatasan ang mga LGUs na gumawa ng mga bike lanes sa mga lansangan
  • Hinihikayat ng DILG ang mga mamamayan na ikonsidera ang paggamit ng bisikleta bilang pangunahing paraan ng transportasyon
  • Isang grupo ang nagpanukala ng mga bike lanes sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila

Aatasan ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang mga local government units (LGUs) na maglagay ng mga bike lanes sa mga lansangan bilang paghahanda ng bansa sa “new normal” sa gitna ng umiiral na COVID-19 pandemic.

Imahe mula sa Spin

Sa isang panayam, sinabi ni Interior Secretary Eduardo Año na hinihikayat niya ang mga mamamayan na ikonsidera ang paggamit ng bisikleta bilang pangunahing paraan ng transportasyon. Aniya, ligtas na ay mura pa ang paggamit nito dahil hindi na kailangang bumili ng gasolina.

’Yung bicycle, pinopromote natin na maging primary mode of transportation. Mag-uutos ulit tayo sa lahat ng LGUsmag-establish ng bike lanes sa lahat ng mga thoroughfares,” sabi ni Sec. Año.

“In this new normal, we want to encourage everyone to use bikes. Very safe ang bikes at saka matipid pa. Hindi mo na kailangang bumili ng gasolina,” dagdag pa ng kalihim.

Nauna nang tinitingnan ng Department of Transportation ang bisikleta bilang isa sa mga alternatibong mode of transportation dahil mas maiiwasan daw ang pagkakahawaan ng sakit sa mga sasakyang pang-isahang pasahero lang.

Imahe mula sa Balita

Kamakailan lang, ang Metropolitan Manila Development Authority ay nagsagawa ng dry run ng bike lane sa kahabaan ng EDSA mula sa kanto ng White Plains Avenue hanggang sa Boni Serrano Avenue. Tumagal lang ito ng kalahating araw.

Samantala,ang grupong AltMobility PH ay nagpanukala ng mga bike lane sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila.

Imahe mula sa AltMobility

“Bunsod ng pagbabawal sa anumang uri ng pampublikong sasakyan, at sa kapansin-pansing pagdami ng mamamayang nagbibiskleta ngayong panahon ng COVID-19 quarantine, mariing isinusulong ng AltMobility PH ang agarang paglatag ng ekslusibo, ligtas, at malawakang bike lane network sa kalakhang Maynila sa pamumuno ng nasyonal at lokal na pamahalaan,” bahagi ng Facebook post ng grupo.

Ayon pa sa AltMobility, ang bisikleta ay abot-kaya ng masang Pilipino at alinsunod ito sa alituntunin ng social distancing.

Imahe mula sa AltMobility

Loading…