Libo-libong kahon ng instant noodles na overpriced ibinebenta online, kinumpiska ng DTI, CIDG

  • Kinumpiska ng DTI at CIDG ang mga instant noodles na overpriced na ibinebenta sa internet
  • Ang instant noodles ay kabilang sa mga basic necessities na isinailalim sa price freeze
  • Dalawang suspek ang dinampot ng mga awtoridad dahil sa overpriced online selling ng Lucky Me instant noodles

Anim na libong kahon ng isang popular na instant noodles brand ang kinumpiska ng Department of Trade and Industry (DTI) sa tulong ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)  sa Las Piñas kamakailan lang.

Imahe mula sa DTI

Ayon sa DTI Consumer Protection Group, ang mga Lucky Me Instant noodles na Beef at Chicken flavor variants na nagkakahalaga ng P3.5 million ay kinumpiska dahil ibinebenta umano ito sa internet sa mas mataas na presyo kaysa sa suggested retail price.

Ang nasabing instant noodles na itinuturing na kabilang sa mga basic foods ay kasama sa mga produkto na isinailalim ng pamahalaan sa price freeze sa Metro Manila dahil sa umiiral na COVID-19 pandemic.

Ang suggested retail price ng naturang instant noodles ay P7.75 kada piraaso, subalit ibinebenta ito ng mga suspek sa halagang P9.50 per piece.

Naganap ang isang entrapment operation sa Alabang-Zapote Road sa Las Piñas noong ika-30 ng Abril sa pangunguna ng DTI, Fair Trade Enforcement Bureau na pinangunahan ni Director Ronnel Abrenica, kasama ang CIDG sa pangunguna ni Col. Erwin Dayag.

Imahe mula sa DTI

“The seized goods are in the custody of the Assistant Vice President of the Legal Department of SM Investment Corporation at the SM Southmall. The CIDG is investigating this case further,” ayon sa DTI.

Nilinaw ng DTI na ang SM at ang nabanggit na opisyal nito ay hindi sangkot sa online resale ng mga overpriced na produkto.

“Following the directive of President Rodrigo Duterte, the DTI and partner enforcement agencies such as the PNP-CIDG and National Bureau of Investigation (NBI), are very serious in going after erring individuals and business establishments, whether operating in a physical or online platform. The utmost protection to the rights, welfare, and safety of consumers is very crucial, especially at this time,” statement ni DTI Secretary Ramon Lopez.

Dalawang suspek ang dinampot kaugnay ng entrapment operation.

Imahe mula sa DTI

I-click ang larawan sa ilalim upang makita ang mga Basic Necessities na isinailalim sa Price Freeze sa National Capital Region o NCR.

Source :

DTI, PNA

Loading…