Libo-libong lumikas dahil sa bagyong Ambo nahaharap sa banta ng COVID-19 sa mga evacuation centers

  • Libo-libong mamamayan ang napilitang lumikas dahil sa pananalasa ng bagyong Ambo
  • Pinangangambahan ang banta ng COVID-19 sa mga evacuation centers
  • Ipatutupad sa mga evacuation centers ang physical distancing na ”per-family basis”

Patuloy ang malakas na hangin at ulan na dala ng bagyong Ambo sa bansa na kasalukuyang dumaranas ng COVID-19 crisis. Libo-libong mga mamamayan ang napilitang lumikas mula sa kanilang mga tahanan patungo sa evacuation centers.

Screenshot mula sa video ng ANC

Sa pagitan ng Huwebes, ika-14 ng Mayo, at umaga ng Biyernes, ika-15 ng Mayo, ay anim na beses nang nag-landfall ang bagyo – sa Eastern Samar, Dalupiri at Capul islands sa Northern Samar, Ticao at Burias islands sa Masbate, at sa Quezon.

Sa Eastern Samar, napilitan ang lokal na pamahalaan na dalhin sa mga paaralan ang mga evacuees dahil ang kanilang mga evacuation centers ay ginagamit bilang COVID-19 quarantine facilities.

“Hindi naman puwedeng dalhin namin doon iyong mga evacuees sa mga centers lalo na kung mayroon do’ng naka-ano na COVID. Hindi puwedeng paghalo-haluin iyon,” sabi ni Governor ben Evardone.

Nagbigay ng babala ang Department of Health (DOH) sa mga local government units na nagbubukas ng mga evacuation centers na maglaan ng mas malaking espasyo at tiyakin na mahigpit na masusunod ang physical distancing upang maiwasan ang posibleng pagkalat ng COVID-19 sa mga evacuees.

Screenshot mula sa video ng ANC

Kailangang makapagpatupad at makagawa ng stratehiya kung saan magkakaroon ng pagkakahiwa-hiwalay, kahit isang metro po ang layo ng bawat pamilya diyan sa evacuation center,” paalala ni DOH Undersecretary and Spokesperson Maria Rosario Vergeire.

Sinabi pa ni Usec. Vergeire na dapat ay isang pamilya sa bawat tent upang malimitahan ang physical interactions ng mga evaacuees.

Kaugnay nito, ipinahayag ni Presidential Spokesman Harry Roque na ipatutupad sa mga evacuation centers ang physical distancing na “per-family basis.” Tiniyak rin niya na sapat ang nakahandang relief goods para sa mga evacuees.

Screenshot mula sa video ng ANC

“Sapat-sapat na po ang ating mga relief goods, handa na po ang ating mga evacuation centers, at ipapatupad po social distancing on a per-family basis,” aniya.

Isinailalim ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration ang ilang bahagi ng Visayas at Luzon sa storm signal number, 1,2, at 3.

Loading…