Life on the ship is unpredictable: Seafarer, ibinahagi ang mensahe ng kaibigang nawawala

Imahe mula sa Facebook | The Seamanship at Cris AC
  • Ibinahagi ng isang seafarer ang mensahe sa kaniya ng kaibigang nawawala
  • Abril 23 nang maiulat na nawawala si Cristito Acosta habang naglalayag ang kanilang barko patungong South Africa
  • Nagsagawa na ng search and rescue ang US Navy ngunit naniniwala ang kaniyang ina na buhay pa ito at nasa loob pa ng barko

“Life on the ship is unpredictable.”

Imahe mula sa Facebook | Cris AC

Bahagi ito ng payo ng nawawalang seafarer na si Cristito “Cris” Acosta sa kaniyang kasamahan na si Lawrence Briones noong pinanghihinaan ito ng loob at nais nang sumuko.

Ani Cris, sa halip na malungkot ay isipin na lang daw ni Lawrence na nakaka-anim na buwan na siya sa barko at mabilis na lang lilipas ang mga susunod na araw.

“Isipin mo naka-six months ka na. Sobrang tagal na yun and you survived. Congrats! Mabilis na lang ‘yan. Life on the ship is very unpredictable kaya dapat always ready ka,” sabi ni Cris.

Dagdag pa ni Cris, mahalaga raw na habang nasa barko ay patuloy pa rin silang natututo.  “‘Wag kang matakot. Matalino ka, alam ko.”

Imahe mula sa Facebook | Cris AC

Patuloy pa ring hinahanap ng kaniyang pamilya ang 23 anyos na si Cris na naiulat na nawawala habang naglalayag ang kanilang barkong Jiaolong Spirit patungong South Africa mula sa Texas noong Abril 23.

Ayon sa ABS-CBN News, nagsagawa na ng search and rescue operations ang US Navy ngunit wala silang nakitang katawan. Naniniwala naman daw ang pamilya ni Cris na nasa loob pa ito ng barko.

“Nananawagan po kami na yung kasuluk-sulukan ng barko ay i-search po nila. Malakas po yung pakiramdam namin na buhay po yung kapatid ko at nandoon lang po yung katawan niya,” ani Criselda Dulay, kapatid ni Cris.

Lumapit na rin sa Overseas Workers Welfare Administration Region 1 ang kaniyang pamilya ngunit maaari lamang umano silang mag-imbestiga kapag nakadaong na ang barko sa South Africa sa May 16.

Source :

Facebook, ABS-CBN

Loading…