Literal! Cordon bleu na kulay blue talaga, umani ng sari-saring reaksiyon mula sa netizens

  • Trending sa social media ang isang cordon bleu na umani rin ng iba’t ibang reaksiyon
  • Literal kasi na kulay blue ang kulay nito, alinsunod sa literal na kahulugan nitong “blue ribbon”
  • Hindi naman tiyak kung in-edit ba ang larawan o nilagyan talaga ng blue na food coloring

Isa sa mga pinagkakaabalahan ng mga netizens ngayong nakabakasyon ang marami ay ang pagluluto. Dahil sa boredom ng ilan, pati ang mga lutuin ay nagagawa nang pag-eksperimentuhan, hindi lamang sa mga ingredients na ilalagay para mapasarap ang lasa kung hind imaging sa kulay ng putahe.

Una nang nag-viral ang kulay violet na inihaw na isaw. Ayon sa uploader, isaw daw ito ng sikat na mascot at bida sa educational show para sa mga bata na si Barney. Ngayon naman, viral sa social media ang isang uri ng cordon bleu na literal na asul ang kulay.

Larawan mula sa Facebook group na This is so sad, can we eat lumpiang shanghai

Makikita sa Facebook page na This is so sad, can we eat lumpiang shanghai ang larawan ng pamosong lutuin na cordon bleu. At upang maging opisyal na bleu o blue, ginawang kulay asul talaga ang bawat hiwa ng karne na mayroong cheese.

Hindi malinaw sa post kung nilagyan ba talaga ng food coloring na blue o in-edit lamang ang larawan. Pero ano pa man ang ginawa sa larawan, nag-trending naman ito sa social media. Mayroon na itong 20,000 reactions na karamihan ay ‘haha’ at 47,000 shares.

Ayon sa mga netizens, paborito raw nila ang pritong lutuing ito, pero mukhang hindi raw masarap kapag literal na blue ang kulay. Para daw itong cotton candy na hindi mo malaman dahil sa light blue na kulay. Ang lian naman ay humanga sa effort ng nagluto o nag-edit nito.

Isang lutuin mula sa bansang Switzerland ang cordon bleu. May literal na kahulugang “blue ribbon” ang mga salitang ito na ipinangalan sa espesyal na lutuin. Dahil ang “blue ribbon” ay ang mataas na uri ng mga mandirigma noong 1578, minarapat nilang ipangalan ang putahe dito.

Larawan mula sa Freepik

Mayroon ding mga nagsasabi na isa sa mga alternatibo sa Swiss cheese na inilalagay sa cordon bleu ay ang blue cheese o isang uri ng cheese na may mold o amag na nagiging sanhi para maging kulay blue o asul ang keso.

Orihinal ding na chicken breast ang ginagamit dito ngunit kalaunan ay nag-iba-iba na rin ang paraan ng pagluluto nito at nilagyan na ng ilang ingredients na upang mas mapasarap ang cordon bleu, depende kung saang bansa ito iluluto.

Loading…