Liza Soberano nakiusap sa mga mambabatas na i-renew ang prangkisa ng ABS-CBN

Imahe mula sa Instagram | Liza Soberano
  • Ibinahagi ng aktres na si Liza Soberano ang kaniyang saloobin hinggil sa isyu ng prangkisa ng ABS-CBN
  • Aniya, bagama’t may sariling mga opinyon ang mga tao ay naniniwala siyang mas dapat pairalin ang pagiging mabuti
  • Sa huli ay nakiusap siya sa mga mambabatas na i-renew ang prangkisa ng network

Sa isang liham na ibinahagi niya sa Instagram ay nakiusap sa mga mambabatas ang aktres na si Liza Soberano na i-renew ang prangkisa ng ABS-CBN.

Imahe mula sa Instagram | Liza Soberano

Sa panimula ng kaniyang post ay sinabi niyang batid niyang may iba’t ibang opinyon ang mga tao hinggil sa franchise renewal issue ng ABS-CBN.

“Marami na po ang nagbigay ng kanilang saloobin tungkol dito. May mga nagalit, nalungkot, at nasaktan. Meron ding natuwa at nagsabing dapat lang,” aniya.

Ngunit paalala ng aktres hindi ito ang tamang panahon upang magtalo dahil sa magkakaibang pananaw at prinsipyo sa buhay. “Pero kung mapapansin po ninyo, pride ang nananaig, and because of our pride and beliefs, we are forgetting what is truly important during these tough times, at yun ang maging mabuting tao sa lahat.”

Sa panahong ito, mahalaga raw ang pagkakaisa hindi lamang ng kaniyang network at ng gobyerno kundi maging ng mga mamamayan.

Imahe mula sa Instagram | Liza Soberano

Naniniwala rin daw siya na kapwa ginagawa ng ABS-CBN at mga mambabatas ang kanilang mga trabaho.

“Naniniwala ako na kung may pagkakamali o pagkukulang man ang aming istasyon, sinisikap po ng aming leaders na maisaayos po ang lahat, the same way that our government officials are doing their part,” paliwanag niya.

Aniya, kung dahil sa oportunidad na ibinigay sa kaniya ng network at nagbago ang kaniyang buhay kaya kung mapagbibigyan itong muling mag-operate ay maraming empleyadong tulad niya ang magiging masaya.

“Walang mawawalan ng trabaho, mas marami ang mabibigyan ng tulong, mas maraming mare-reach, hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong mundo. Kasi if there is one thing that ABS-CBN and the government have in common, yun ang serbisyong makatulong sa bawat Pilipino,” ani Liza.

“To our dear lawmakers, may I humby ask, please renew the ABS-CBN franchise.”

Source :

Instagram

Loading…