Lol! Aso na pinagtatrabaho dahil tahol nang tahol kapag may kausap ang amo, kinaaliwan sa socmed

  • Viral sa social media ang larawan ng asong sinuotan ng headset at pinagtatrabaho
  • Nilagay ito ni Ien Manoguid dahil madalas umano itong “magpabida” sa tuwing may kausap siya na customer
  • Marami naman ang naaliw sa litrato ng aso at nagpahayag ng kanilang saloobin hinggil sa naturang post

Dahil sa pinalawak na enhanced community quarantine sa iba’t ibang lugar at probinsiya sa Pilipinas simula pa noong Marso, mas marami na ngayon ang mga kinailangan magwork-from-home.

Imahe mula kay Ien Manoguid | Facebook

Kabilang na nga rito ang ilang mga nagtatrabaho bilang call center agents.

Kung dati ay pumapasok ang mga ito sa kani-kanilang opisina para makausap ang kanilang mga kliyente gamit ang telepono at internet, ngayon naman ay nabigyan ng pagkakataon ang iilan na maipagpatuloy ang kanilang serbisyo sa loob mismo ng kanilang tahanan.

Sa Facebook, viral naman ang post ng isang netizen matapos niyang ibahagi ang nakaaaliw na “solusyon” sa isa sa mga kadalasang problema ng mga nagtatrabaho sa bahay.

Sa post ng netizen na kinilalang si Ien Manoguid noong May 8, makikita ang nakatutuwang larawan ng kaniyang aso habang nakasuot ng headset.

“Oh, ayan. Tutal bida-bida ka at gusto mong naririnig ka ng customer, ikaw na ang magtrabaho para sa atin,” biro nito.

Nilagay umano ni Ien ang headset sa ulo ng alaga dahil madalas itong tumahol kapag may kausap ang amo sa telepono.

Agad namang nag-viral ang post dahil sa aliw na dulot ng larawan ng aso sa netizens. Marami din ang nagpahayag ng kanilang reaksiyon hinggil sa naturang post.

Imahe mula kay Ien Manoguid | Facebook

“Tagging all my CSR friends who work at home, could relate to this. Aww aww!” natatawang sabi ni DA matapos i-share ang post sa kaniyang Newsfeed.

“Ganito gagawin ko sa aso ng kapitbahay namin. Napakaingay!” biro ni ASL.

“Pati sana ‘yung mga manok. Nagtataka na customer ko if nasa farm ba ako,” sabi ni AGS.

“Night shift si mama so nagpupuyat yung mga aso namin kasama niya pero never sila nag-ingay kahit may calls,” pagbabahagi naman ni JA.

Source :

Facebook

Loading…