Lolit Solis ipinagtanggol si Jinggoy Estrada matapos lumabag sa ECQ rules

  • Lolit Solis ipinagtanggol si Jinggoy Estrada
  • Sana raw ay hinayaan na lang muna ni San Juan City Mayor Francis Zamora ang ginagawang pamimigay ng tulong si Jinggoy sa mga residente
  • Iginiit ni Jinggoy na may halong pulitika ang paghuli sa kanya

Nagsiwalat ng kanyang saloobin sa social media ang local showbiz personality na si Lolit Solis hinggil sa pagkakadakip sa dating senador na si Jinggoy Estrada dahil umano sa paglabag nito sa ipinatutupad na mga alituntunin sa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ).

Screenshot mula sa GMA video

Sa Instagram, sinabi ni Lolit Solis na sana raw ay walang halong pulitika ang pagkakadakip kay Jinggoy.

“So, namimigay ng bangus si Jinggoy Estrada , dating mayor at senador, dapat pa bang ipahuli?” sambit ni Solis sa kanyang social media account.

“Sana nga walang political color ang mga nagaganap sa San Juan, sana nga hindi ito kaso ng gantihan dahil dati magkaaway sa politika,” sabi pa niiya.

Sana raw ay hinayaan na lang muna ni San Juan City Mayor Francis Zamora ang ginagawang pamimigay ng tulong ni Jinggoy sa mga residente. Hayaan na lang muna raw na pakinabangan ng mga tao ang ipinamimigay na bangus ng dating senador.

Saka na lang daw pag-usapan kung  anuman ang maling nagawa  ni Jinggoy.

“Saka na natin harapin iyon ginawang palagay natin ay mali pagkatapos ng crisis. Hayaan muna natin pakinabangan ng tao iyon ibibigay nila , konting luwag lang, Mayor Francis , magkakilala naman kayo, saka n’yo na iyan pag-usapan ng mga Estrada pagkatapos ng pandemic. Cool lang,” ani Lolit.

Screenshot mula sa video ng FLMS

Samantala, sa isang panayam matapos siyang i-release mula sa pagkakadakip, iginiit ni Jinggoy na may halong pulitika ang paghuli sa kanya.

“This is local politics. The current administration of San Juan does not want us to help. Why are they singling me out? Just because I’m an Estrada? Bawal na ba kami tumulong dito sa San Juan?” pahayag ni Jinggoy.

Nanindigan naman si Mayor Zamora na tama ang ginawang pagdakip sa dating senador. Naaayon umano iyon sa direktiba ng national government sa pagpapatupad ng ECQ.

Imahe mula sa Facebook account ni Francis Zamora

“The arrest of Mr. Jinggoy Estrada has nothing to do with politics in San Juan, but has everything to do with law and order, especially so now that we are collectively fighting this global pandemic,” anang alkalde.

Sinabi naman ni Department of Interior and Local Government Secretary Eduardo Año na limang ECQ rules ang nilabag ng dating senador kabilang ang hindi paghingi ng permiso sa ginawang relief operations, walang quarantine pass, hindi sinunod ang social distancing, pinalabas ng bahay ang mga matatanda at menor de edad at ang pamamahagi ng isda na hindi man lang ibinalot.

Imahe mula sa DILG

Loading…