Love from the sky: Cloud formation na L-O-V-E, namataan ng isang netizen sa Surigao del Sur

  • Trending ngayon sa social media ang larawan ng isang pambihirang cloud formation
  • Makikita kasi ang mga ulap na tila binubuo ang mga titik na L-O-V-E
  • Iba-iba naman ang pakahulugan ng mga netizens sa cloud formation na ito

Kamakailan ay nag-trending sa social media ang isang cloud formation na animo’y isang malaking ibon. Nakuhanan ito ng isang netizen sa Quezon City bago ang takip-silim na agad namang umani ng maraming reactions, comments, at shares.

Cloud formation na animo’y malaking ibon, nakuhanan ng larawan ng isang netizen sa Quezon City

At ilang linggo matapos ang pag-viral ng nasabing cloud formation, tila hindi pa natatapos ang kalikasan sa pagpapamalas ng kanyang ganda at pagpapadala ng mensahe sa mga mamamayan. Nakuhanan ng larawan ng netizen na si Analiza Sampinit Lumosad ang cloud formation na tila binubuo ang mga letrang L-O-V-E. Tila hugis puso rin ang liwanag na pinagmumulan ng sinag.

Larawan mula sa Facebook post ni Analiza Sampinit Lumosad

Nire-upload ng Facebook page na LUGAS ang larawang kuha ni Analiza sa kalangitan ng Carrascal, Surigao del Sur. Makikita ang mga ulap na mayroong malinaw na letrang L-O-V habang ang E naman ay tila nakatagilid ngunit mababasa pa rin ang salitang LOVE.

Ayon sa uploader, lagpas alas-6 ng umaga niya nakuhanan ang larawan sa dalampasigan. Pang-portrait nga ang larawan dahil maliban sa magandang cloud formation, nakadagdag din sa ganda ng larawan ang dagat at kabundukan sa paligid nito.

Sa caption ng LUGAS, nang ipadala raw sa kanila ni Analiza ang larawan ay iginiit nitong walang filter o hindi in-edit ang larawan. Kung ano raw ang cloud formation na nakita nila sa kalangitan, ay iyon din ang makikita sa kanyang mga kuhang larawan.

“Gamit ang kanyang cellphone, nakuhanan ni Analiza Sampinit Lumosad ng Carrascal, Surigao del Sur ang isang pambihirang cloud formation sa may kalangitan na kung titignan ay parang salitang “L0VE” na nabuo. Sa isang private message na ipinadala ng uploader, nilinaw niya na ang kanyang mga kuha ay hindi edited,” saad ng LUGAS sa kanilang caption.

Larawan mula sa Facebook post ni Analiza Sampinit Lumosad

Ito rin naman ay binigyang linaw ni Analiza sa sarili niyang post: “100% Natural, Walay EDIT #LOVE”

Dahil marami ang namangha sa tila mensahe ng mga ulap, agad na umani ng maraming reactions, shares, at comments ang mga larawan. Ayon sa mga netizens, ito raw ay isang mensahe ng langit sa atin na sa kabila ng dinaranas na sakuna ay nananatili ang pag-ibig ng Diyos sa atin.

Para naman sa iba, ang L-O-V-E cloud formation ay isa namang paalala na sa panahong may kinahaharap tayong hindi nakikitang kalaban, ang pandemya, ay isang hindi nakikita ngunit nadaramang sandata rin ang kailangan natin — ang pagmamahal.

Salamat sa nakaka-good vibes mong ibinahagi, Analiza!

Loading…