Low Maintenance: Diva na si Bituin Escalante, nagpakalbo

  • Ginulat ng mahusay na diva na si Bituin Escalante ang kaniyang mga tagahanga
  • Nag–post siya ng kaniyang larawan sa Instagram na nagpapakitang kalbo na siya
  • May caption itong “low maintenance”

Isa sa mga umusbong na problema ng nakararami, lalo na sa mga lalaki, ang pagtubo ng buhok at hindi na makapagpagupit dahil sarado ang mga parlor, salon, o barber shop. Kaya naman ang ilan, kaniya–kaniyang diskarte kung paano masosolusyunan ang “ECQ look” na ang ilan ay inihahalintulad sa isang ermitanyo.

Ganiyan din naman ang suliranin ng mga babae. Habang ang ilan ay nagbabawas lamang ng haba, naglalagay ng bangs, nagpapastraight o nagpapakulot, iba ang ginawa ng mahusay na singer na si Bituin Escalante.

Batay sa kaniyang Instagram post na may caption na “Low Maintenance”, makikitang nagpakalbo ang diva.

Imahe mula sa Instagram account ni Bituin Escalante

Umani naman ito ng reaksyon mula sa mga netizens. Halo–halo ang kanilang mga komento. May mga pumuri sa diva at may ilan din namang hindi nagustuhan ang kaniyang new look.

“You look beautiful po! Galing, kung puwede nga lang sa work ‘yan… kung ako na lang sana. Buhok mo po iyan so ikaw lang po ang may karapatang mag–isip ng gagawin mo riyan. Keep it up, Miss Bituin!” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Walang magawa talaga tao out of boredom. People these days will just post anything without content.”

“Bagay naman po! Why is it that a talented singer like you is seldom given big breaks? You sing straight from the heart and I think you can also act better than those Hollywood actors!” komento naman ng isa.

Si Bituin Escalante ay sumikat bilang isang diva at biritera. Hanggang ngayon ay inaawit pa rin sa mga videoke ang kaniyang hit song na “Kung Ako Na Lang Sana” na madalas ay pinaghuhugutan din ng damdamin.

Hindi si Bituin Escalante ang unang babaeng nagpakalbo sa showbiz. Matatandaang nagpakalbo rin ang mahusay na aktres na si Alessandra De Rossi.

Public Domain Image

Sa Pilipinas, sanay ang mga tao na ang mga babae ay may mahaba at makintab na buhok. Ito ang itinuturing nilang “korona”.

Loading…