Mahigit isang milyong manggagawa, nakatanggap ng tulong pinansiyal mula sa DOLE ngunit marami pa rin ang dismayado

  • Umabot sa mahigit isang milyong manggagawang Pilipino ang nakatanggap ng ayuda mula sa mga programa ng Department of Labor and Employment (DOLE) bilang tugon sa COVID-19
  • May mga overseas Filipino workers din ang nakatanggap ng tulong pinansiyal
  • Sa kabila nito, marami pa rin ang dismayado dahil hindi sila nakatanggap ng anuman mula sa kagawaran

Maraming manggagawang Pilipino na naapektuhan ng COVID1-19 ang umasa at patuloy na umaasa sa tulong pinansiyal mula sa Department of Labor and Employment (DOLE).

Imahe mula sa Department of Labor and Employment Facebook page

Hindi naman binigo ng DOLE ang mahigit isang milyong manggagawa mula sa mga pormal at impormal na sektor, kabilang ang ilang overseas Filipino workers (OFW), sa mas pinaigting na social amelioration program (SAP).

Ayon sa isang news release, ang nasabing programa ay nakaabot sa 1,059,387 manggagawa at nakapaglabas ng ?4.44 bilyon mula sa regular nitong badyet at dagdag pang ?1.05 bilyon na emergency fund.

Samantala, ang dalawa pa nilang programa na COVID-19 Adjustment Measures Program (CAMP)) at ang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers, Barangay Ko Bahay Ko (TUPAD BKBK) ay kanila na ring tinapos.

Sa ilalim ng CAMP, umabot sa 618,722 manggagawa mula sa pormal na sektor at 31,972 na micro, small, and medium entrepreneurs ang kanilang nabigyan ng tig-?5,000.

Sa ilalim naman ng TUPAD BKBK, 337,198 manggagawa mula sa impormal na sektor ang natulungan mula sa 10-day emergency employment.

Ang natitira na lamang nilang programa para sa mga manggagawa ay ang tulong para sa mga OFW sa ilalim ng AKAP program. Umabot na sa 103,467 o halos 74 porsiyento ng mga kuwalipikadong manggagawa ang kanilang nabigyan.

Handa rin umano ang DOLE na maglabas pa ng karagdagang dalawang bilyong emergency funds para sa mga OFW.

Imahe mula sa Pixabay

Gayunman, sa kabila ng mga naitulong na ito ng DOLE at ng pamahalaan, marami pa rin ang dismayado dahil hindi sila nakatanggap ng anuman mula sa kagawaran.

May mga nagkomento rin sa Facebook page ng DOLE na umasa sila sa wala. May ilang OFWs din ang umaapela na maglabas ang kagawaran ng listahan ng kanilang mga nabigyan.

Source :

DOLE, Facebook

Loading…