Maj. Gen. Sinas humingi ng paumahin sa birthday celebration, sinabing edited ang ibang litratong kumalat

  • NCRPO chief Maj. Gen. Debold Sinas humingi ng paumanhin sa kontrobersyal na pagdiriwang ng kaniyang kaarawan
  • Sinabi ni Sinas na wala siyang intensyon na suwayin ang quarantine protocols na ipinatutupad
  • Sinabi rin niya na ang ilang larawan na kumalat sa social media ay edited

Naging kontrobersyal ang selebrasyon ng kaarawan ni National Capital Region Police Office Director Major General Debold Sinas matapos kumalat sa social media ang ilang larawan ng salo-salo na ginanap sa NCRPO headquarters sa Taguig City.

Imahe mula sa PIO NCRPO

Ang birthday celebration ay ginanap sa gitna ng umiiral na enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila kung saan ipinagbabawal ang mass gathering.

Humingi ng paumanhin ang opisyal sa nangyari, subalit sinabi niya na ilan sa mga larawang kumalat sa internet ay edited.

“Some of the pictures circulating in the social media were edited and grabbed from old posts. The pictures may depict itself; however, it does not define the totality of what really had happened,” paliwanag ni Sinas.

“Nevertheless, I apologize for what transpired during my birthday that caused anxiety to the public,” sabi pa niya habang nagbigay ng paglilinaw na wala siyang intensyon na suwayin ang pinaiiral na protocol sa gitna ng ECQ.

Sa mga larawang kumalat sa social media, makikita si Sinas na inaabutan ng ilang police officers ng bulaklak na rosas bilang pagbati sa kanyang kaarawan. Makikita rin na hinipan niya ang kandila sa dalawang cake na ang isa ay hugis Voltes V.

Imahe mula sa PIO NCRPO

Makikita ring nakihalubulo siya sa mga kapwa officers sa isang round table habang ang iba ay nakapila sa buffet table upang kumuha ng pagkain.

“My accommodation to them was done with all cautiousness because I am fully aware of the Anti-COVID measures being implemented by the government. They were told to observe social distancing and other precautionary health measures. They were also told not to linger and prepare for the simultaneous relief distribution NCR-wide that day,” paliwanag pa ni Sinas.

Imahe mula sa PIO NCRPO Facebook page

Dahil sa nangyaring insidente ay nagbigay ng paalala si Department of Interior and Local Government Secretary Eduardo Año sa mga opisyal ng local government at ng kapulisan na magkaroon sila ng delicadeza at dapat silang maging magandang halimbawa sa publiko sa pagpapatupad ng quarantine protocols.

Imahe mula sa PIO NCRPO

Kasunod ng ginawang paalala, nilinaw ni Sec. Año na ang naganap sa NCRPO headquarters ay isang mañanita.

“Hindi matatawag na birthday party iyon. Mañanita iyon, tradition sa military and police, na kapag birthday ng commander, binabati ng happy birthday at the early break of the morning. Hindi talaga siya party. Hindi siya deliberate partying,” paliwanag ni Sec. Año sa ginawang press briefing sa Palasyo.

Loading…