Mambabatas iminungkahing mag-isip ng makabagong paraan ang LTFRB sa pagpapatala ng pasahero para sa contact tracing

Imahe mula sa Unsplash | Yannes Kiefer
  • Magiging mahirap para sa mga driver at mananakay ang pagtatala ng personal na impormasyon ng mga pasahero bilang pagsunod sa memorandum na inilabas ng LTFRB
  • Dahil dito ay iminungkahi ni AKO Bicol Rep. Alfredo Garbin na humanap ng mas makabagong paraan ang LTFRB sa pagtatala ng mga detalye ng mga pasahero
  • Aniya pa, hindi rin dapat kalimutang ingatan ang personal na impormasyon ng mga mananakay

Iminungkahi ni AKO Bicol partylist Rep. Alfredo Garbin sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na humanap ng ibang paraan upang maging mas madali para sa mga PUV driver at pasahero ang pag-record ng mga personal na impormasyon kung sakaling kailanganin ang mga ito para sa contact tracing.

Imahe mula sa Unsplash

Sa ilalim kasi ng Memorandum 2020-017 o ang guidelines para sa mga public transportation sa mga lugar sa ilalim ng general community quarantine ay inutusan nila ang mga provincial bus, P2P bus, at UV Express na magkaroon ng tala ng personal na impormasyon ng mga pasahero para sa contact tracing.

Gayundin ay inatasan nila ang mga mananakay na ilista ang plate number ng PUVs na kanilang nasakyan.

“To further enhance the contact tracing, passengers of PUVs especially city bus and PUJs are required to take note of the plate number or body number of the PUVs they rode, date and time they boarded, and the route they took. Same shall be given to the PUV driver and/or conductor upon alighting the vehicle,” saad sa Memorandum.

Imahe mula sa Unsplash

Ayon kay Garbin, magiging hassle ang pagtatala ng impormasyon para sa mga pashero at driver.

“Perhaps the DICT (Department of Information and Communications Technology) and private IT experts can come up with other easy-to-use solutions for all forms of land, sea, and air passenger transport, so that the entire transport system can have a much more accurate and reliable system than the ancient manual sign-up method,” sabi ni Garbin.

Aniya pa, mahalaga ring ingatan ang personal na impormasyon ng mga mananakay. “Hindi dapat pahirapan ang drivers at transport associations sa pagtatala ng mga pasahero [at] maging maingat tayo nang sobra sa personal na impormasyon ng mga tao.”

 

Source :

PNA, LTFRB

Loading…