Matapos dumugin ang malls: Netizens nais ipatupad ang ‘matira matibay’ na panawagan ni Vivian Velez

Imahe mula sa Facebook | Vivian Velez
  • Muling lumabas sa social media ang opinyon na dati nang ipinost ng aktres na si Vivian Velez na alisin ang ECQ at matira matibay na lamang ang mga Pilipino sa kinahaharap na COVID pandemic
  • Ito ay matapos dumugin ng mga tao ang mga mall
  • Sabi ng netizens, maaaring makatulong ito dahil kapag ipinatupad ito ay matatakot lumabas ang mga tao

Matapos dumagsa ang mga tao sa kalsada at ilang mga mall nang malipat ang kani-kanilang lugar sa general community quarantine (GCQ) at modified enhanced community quarantine (MECQ) mula sa ECQ ay muling nag-trending ang pahayag ng aktres na si Vivian Velez na nagsabing kung maraming hindi susunod sa panuntunan ay alisin na lang ECQ at matira na lang ang matibay.

Imahe mula sa Facebook | Vivian Velez

“If we cannot control these kinds of crowds, might as well lift the ECQ. Close the hospitals for COVID-19 cases para hindi maubos ang doctors. Matira matibay na lang tutal marami ang hindi sumusunod sa ECQ,” ani Vivian sa kanyang post noong Abril 13.

Dagdag pa niya, nasasayang ang pagsasakripisyo ng ilan dahil sa mga ayaw sumunod sa quarantine guidelines.

“As taxpayers, we are sacrificing our business and freedom, and for what? Para ipamigay ang pera sa mga ‘di marunong sumunod sa batas,” dagdag niya.

Imahe mula sa Facebook | Vivian Velez

Marami ang sumang-ayon sa kaniya dahil kapag nangyari ito ay baka mas matatakot umanong lumabas ang mga Pilipino.

“Tama. Para naman matakot sila. Baka sakaling magkaroon ng disiplina.”

“Noon ko pa sinasabi na matira matibay na lang dahil sa obserbasyon ko noong umpisa pa lang. Nakikita ko kung paano mag-respond ang individual. Walang disiplina sa sarili kaya sayang ang frontliners na nagbubuwis ng buhay. Wala namang nangyayari.”

“Kagaganiyan magba-back to zero tayo. Lalo na sa mall. Ayun, akala mo mga nakawala sa koral. Nawala na ang social distancing.”

Sang-ayon ka rin ba sa opinyon ni Vivian?

Loading…