May hangganan din ang kakayanan namin: Ilang empleyado ng ABS-CBN nanganganib nang mawalan ng trabaho

Imahe mula sa YouTube | ANC at Wikipedia
  • Posibleng magsibak na ang ABS-CBN ng kanilang mga empleyado dahil sa patuloy nilang pagkalugi
  • Nakiusap sila sa Kongreso na dinggin ang kanilang hiling na hayaan silang umere habang pinag-uusapan pa ang kanilang prangkisa
  • Mayo 5 nang mawala sila sa ere matapos na maglabas ng cease and desist order ang National Telecommunications Commission

Inamin ni ABS-CBN President and CEO Carlo Katigbak na habang patagal nang patagal ang kanilang pagkawala sa ere ay palaki nang palaki ang nalulugi sa kanila kaya naman baka mapilitan na silang maglabas ng listahan ng mga empleyadong mawawalan na ng trabaho.

Imahe mula sa ABS-CBN | George Calvelo

“We want to do everything we can to protect our employees. Pero may hangganan din ang kakayahan ng kompanya namin…Sana makita po ng Kongreso na nasa kapangyarihan ninyo ang kinabukasan nila,” sabi ni Katigbak sa kaniyang pahayag sa hearing ng House Committee on franchise.

Muli niya ring ipinaliwanag na bagama’t hindi sila perpektong kompanya ay wala silang nilabag na batas.

“Sabi po ng BIR, bayad ang aming buwis. Nanggaling sa SEC na aprubado sa kanila ang pag-issue ng mga PDR. Ang Department of Justice ang nagsabi na hindi labag sa prangkisa ang KBO. Ang DOLE naman ay nagsabi na sumunod kami sa lahat ng compliance orders nila.,” aniya.

Imahe mula sa YouTube | ANC

Sinagot niya rin ang akusasyon ng ilang netizens na nagpapaawa lamang sila.

“May nagsasabi sa social media na nagpapaawa lang daw kami… Hindi po kami nagpapaawa. Umaapela po kami—ibalik n’yo po ang ABS-CBN para maprotektahan namin ang 11,000 kong Kapamilya at ang kanilang mga minamahal sa buhay,” dagdag ni Katigbak.

Hiling din niya, sana ay habang pinag-uusapan ang kanilang prangkisa ay huwag silang mawala sa ere lalo na at kailangan ang kanilang serbisyo sa panahon ng pandemya.

May 5 nang mawala sa ere ang ABS-CBN nang maglabas ng cease and desist order ang National Telecommunications Commission matapos na mapaso ang kanilang prangkisa noong May 4.

Source :

ABS-CBN, YouTube

Loading…