May padasal? Kakaibang Mother’s Day greeting mula sa mga anak, ipinagpasalamat pa rin ng netizen mom

  • Patok sa social media ang kakaibang pagbati na pinagplanuhan ng mga anak sa kanilang netizen mom
  • Kinaaliwan ito ng marami lalo’t nagmukhang may padasal ang mga bata sa araw kung kailan ipinagdiriwang nila ang Mother’s Day
  • Agad namang nag-viral ang post at umani ng iba’t ibang reaksiyon mula sa madla

Magkahalong kaba at tuwa ang naramdaman ng netizen mom matapos siyang bigyan ng kakaibang pagbati ng mga anak para sa pagdiriwang ng Araw ng mga Ina.

Imahe mula kay Bonita Roxas Ogario | Facebook

Sa post ng netizen na kinilalang si Bonita Roxas Ogario sa Facebook noong May 10, makikita ang simpleng inihanda sa kaniya ng mga anak para sa Mother’s Day.

Ibinahagi nito ang isang larawan kung saan makikita ng munting regalo sa kaniya ng mga anak para sa araw na iyon.

Maliban sa picture ni Bonita, nag-alay rin ang kaniyang mga anak ng pansit at kandila na nakatusok sa ordinaryong chocolate cupcake. Mayroon na ring baso para hindi mabulunan ang netizen habang kumakain, at nasa likurang bahagi naman nito ang isang lobo na hugis bulaklak.

“Salamat mga anak! Kahit parang 40 days yung ginawa ninyo na-appreciate ko. Love you,” biro nito sa Facebook post.

Sa hiwalay na post, ibinahagi naman ni Bonita ang video kung saan mapapanood ilang mga sandali bago siya sinurpresa ng kaniyang mga anak.

Marami rin ang nagpahayag ng kanilang pagkaaliw sa post tungkol sa regalong pagbati mula sa mga anak ni Bonita.

“Bakit naman ganoon? Haha,” pabirong sabi ni TA.

Imahe mula sa Pexels

“Nakakatawa yung reaction ng nanay. Imbes na maiyak dahil na-touch sa ginawa ng mga anak niya, for effort, naiyak tuloy sa tawa,” biro ni WBC.

“Haha! Nakakatawa pero at least nag-effort ang mga anak at na-appreciate ni Mommy,” pahayag ni IOT.

“Ewan! Ang lakas ng tawa ko dito pero may part na nakakataba ng puso,” sabi naman ni MS.

Patunay lamang ang post ni Bonita na hindi sa laki o liit ng surpresa nasusukat ang kaligayan ng mga ina ngayong Mother’s Day. Simple man ang pagbati, basta mula naman sa puso ng kanilang mga anak, ay maa-appreciate iyon ng kahit na sinong magulang.

Loading…