Medtech student may alay na obra para sa frontliners

Imahe mula sa Facebook | VP Leni Robredo/Jessa Marisse Desoloc
  • Upang ipakita ang kaniyang pasasalamat sa mga frontliner ay gumawa ng digital art at tula ang isang 2nd year medical technology student
  • Aniya, nagsisilbing inspirasyon sa kaniya ang mga frontliner, lalo na iyong mga health workers, dahil nais niya ring makapasok sa medical field balang araw
  • Ipadadala ang kaniyang artwork sa mga frontliner kalakip ng mga donasyon ng Office of the Vice President

Sa pamamagitan ng artwork at tula ay nagbigay-pugay ang isang 2nd year medical technology student sa mga frontliner sa kinahaharap na COVID-19 pandemic ng bansa.

Sa kaniyang Facebook page ay ibinahagi ni VP Leni Robredo ang mga obra ni Jessa Marisse Desoloc na pinamagatang “The Eyes of the Frontliners.”

“Ayon sa kaniya, nagsisilbing inspirasyon ang frontliners sa gaya niyang nangangarap na makapasok sa larangan ng medisina,” sabi sa post ni Robredo.

Makikita sa kaniyang digital artwork ang mga frontliner mula sa iba’t ibang industriya. Naroon ang mga health workers, pulis, media, at guard. Samantala, sa kaniyang tula naman ay inilahad niya ang paghanga sa mga masigasig na bayani ng COVID-19.

Imahe mula sa Facebook | VP Leni Robredo

“Determination lies in their eyes, Despite the struggles that fall behind, Fighting back fear and doubt, And still they are able to smile all throughout. Each of them has tasks to be done, They may all be different, but they work as one, United to fight the crisis we currently face, They will surely ace this, with God’s grace,” saad sa bahagi ng tula.

Umaasa raw si Jessa na makahugot din ng inspirasyon sa kaniyang iginuhit at isinulat ang mga frontliners.

Kasama ang obra ni Jessa sa programang Sulat ng Pag-asa. “Ang mga ito ay ihahatid ng ating teams sa mga ospital kasabay ng tulong nating PPE sets at Food and Care packages,” paliwanag sa pahina ni Robredo.

Tumatanggap pa ang opisina ng bise presidente ng mga liham o artwork na nais ipadala sa mga frontliner. Maaari itong i-send sa [email protected]

Source :

Facebook

Loading…