Meet Spot, ang robot dog na nagpapatupad ng social distancing sa Singapore

  • Isang robot dog ang nagpapatupad ng social distancing sa isang Singaporean park
  • Sa halip na kahol, isang pre-recorded message ang maririnig mula kay Spot, ang yellow and black canine robot
  • Kung sakaling maging matagumpay ang eksperimento ay posibleng palawigin pa sa ibang lugar ang proyekto

Makikita ang isang kulay dilaw na asong robot na paikot-ikot sa isang parke sa Singapore upang magbigay ng paalala sa mga taong namamasyal tungkol sa kahalagahan ng social distancing sa panahon ng COVID-19 pandemic.

Imahe mula sa GovTech Singapore

Siya si Spot, ang robot dog na nagpa-patrulya sa Bishan-Ang Mo Kio Park upang paalalahanan ang mga park visitors na dumistansya ng at least one meter sa bawat isa para sa kaligtasan ng lahat.

Ang yellow and black canine robot, na gawa ng Boston Dynamics ng America, ay nagsimulang umikot sa parke noong ika-8 ng Mayo. Sa halip na kahol, isang pre-recorded message na boses babae ang maririnig mula kay Spot.

“Let’s keep Singapore healthy. For your own safety, and for those around you, please stand at least one meter apart. Thank you,” maririnig na sabi ni Spot sa mga park visitors.

Ayon sa isang opisyal ng Singapore government, may mga nakakabit na camera sa robot dog upang mag-inspeksyon ng paligid para matulungan ang mga park authorities na matantiya ang bilang ng mga taong namamasyal o nag-uumpukan sa park.

“These cameras will not be able to track and/or recognize specific individuals, and no personal data will be collected,” ayon sa opisyal.

Imahe mula sa GovTech Singapore

Ang pagde-deploy kay Spot, na tatagal nang hanggang dalawang linggo, ay isang eksperimento ng pamahalaan upang mas mapagbuti ang pagpapatupad ng physical distancing sa Singapore na ngayon ay dumaranas ng nakaaalarmang pagdami ng COVID-19 cases.

Kung sakaling maging matagumpay ang eksperimento ay posibleng palawigin pa sa ibang lugar ang proyekto.

Screenshot mula sa CNA video

Loading…