Mensahe ng kantang ‘Fight Song,’ lalong nadama ng netizens matapos lapatan ng sign language

  • Viral sa social media ang pagbibigay-buhay ng isang netizen sa kantang “Fight Song” gamit ang sign language
  • Nagawa ni Christine Legaspi Aguirre Garcia na ipabatid ang mensahe ng awitin sa video na ibinahagi nito sa Facebook
  • Marami din ang nagpahayag ng kanilang paghanga kay Christine at nag-iwan ng mga positibong komento sa original post ng video nito

Agaw-pansin sa social media ang video ng isang netizen kung saan nilapatan niya ng sign language ang kantang “Fight Song” na isinulat at inawit ng American singer na si Rachel Platten.

Imahe mula sa Facebook video ni Christine Legaspi Aguirre Garcia

Nagawang maipadama ng netizen na kinilalang si Christine Legaspi Aguirre Garcia sa mga manonood ang mensahe ng awiting “Fight Song” sa video na ibinahagi nito sa Facebook noong May 7.

“Whole cover of ‘Fight Song’ by Rachel Platten in sign language form,” aniya sa kaniyang Facebook post.

Sa video, makikita ang todo-bigay na performance at punong-puno ng puso na interpretasyon ni Christine sa awitin kaya naman kinaantigan ito ng maraming netizens.

Sa katunayan, umabot na agad sa higit 2.1 million ang views ang video nito at patuloy na umaani ng mga positibong komento sa social media.

Nasa higit 112,000 na rin ang nag-share ng orihinal niyang post, habang mayroon naman itong higit 126,000 reactions sa Facebook.

Kuwento ng sign language interpreter na si Christine sa CNN, proyekto niya ang naturang video sa kanilang paaralan.

Pinili niya umano ang kantang ito upang kilalanin ang sakripisyo at kadakilaan ng mga frontliner sa gitna ng banta ng C0VID-19.

Sa hiwalay naman na post, nagpasalamat si Christine sa mga naka-appreciate sa kaniyang video.

Patuloy naman ang suporta at pagbibigay ng netizens ng mga positibong komento sa naturang video ng dalaga sa Facbeook.

“Galing. Love it! Now ko lang nakita na ang sign language can be this intense God bless you!” sabi ni EB.

“I feel like mas maganda panoorin ‘to kesa ‘yung nasa TikTok. I can watch this over and over again and feeling the message of the song and the message of the one performing it. More pa, Ma’am,” ayon naman kay DD.

“Lakas ng impact! Kakakilabot! Nice cover,” sabi pa ni RG.

Loading…