Mensahe ni Pang. Duterte sa kaarawan ng anak na si Mayor Sara Duterte, ‘Be true to your country’

Imahe mula sa PNA
  • Sa ika-42 kaarawan ni Davao City Mayor Sara Duterte ay sinabi sa kaniya ng amang si Pang. Rodrigo Duterte na maging tapat siya sa bansa at maging masigasig sa pagtatrabaho
  • Kuwento ng pangulo, bata pa lamang ang anak ay alam na niyang magiging alkalde ito sa Davao City at hindi naman siya nagkamali
  • Mahalaga para sa presidente ang May 31 dahil bukod sa kaarawan ito ng anak ay wedding anniversary rin ito ng mga yumaong magulang

“Be true to your country and work hard.”

Imahe mula sa PNA

Ito ang mensahe ni Pang. Rodrigo Duterte para sa pagdiriwang ng ika-42 kaarawan ng kaniyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte.

Sa isang video message, sinabi ni Pang. Duterte na ang May 31 ay mahalaga sa kaniya dahil bukod sa ito ang wedding anniversary ng kaniyang mga magulang ay ito rin ang araw ng kapanganakan ni Mayor Sara.

“On May 31st is the wedding anniversary of my father and my mother, both already passed away. Pero itong [May] 31 is also important to me because it is the birthday of my daughter — Mayor Sara,” sabi ng pangulo.

Hiling niya, sana ay patuloy na maging tapat sa paglilingkod ang anak sa kaniyang mga nasasakupan.

“Be true to your country and work hard for the people. And the rewards, I think, are there, made in heaven, not here. Trabaho ka lang and be good,” payo ng 75 anyos na pangulo. “Happy birthday. I love you.”

Imahe mula sa PNA

Ibinahagi rin ni Pang. Duterte na bata pa lamang ang anak ay nakita na niyang magiging alkalde ito sa Davao.

“Si Inday alam ng nanay niya, when I was cuddling the baby… I will call her ‘Inday’ and she will be a Mayor of Davao City. Tama. On the dot ako riyan sa kaniya,” sabi niya.

Anak ni Pang. Duterte si Inday Sara sa dating asawang si Elizabeth Zimmerman.

Maligayang kaarawan, Mayor Sara!

Loading…