Meralco bill mula March 1 hanggang May 31 maaaring bayaran ng 4 to 6 months

  • Hindi oobligahin ng Meralco ang mga customers nito na agad bayaran ang electric consumption mula March 1 hanggang May 31
  • Kapag ang konsumo ng kuryente ay 200 kWh pababa, ang installment plan ay hanggang anim na buwan
  • Kung ang konsumo naman ng kuryente ay mahigit 200kWh, hanggang apat na buwan ito maaaring hulugan

Hindi oobligahin ng Meralco ang mga consumers na agad bayaran ang kuryenteng nakonsumo mula ika-1 ng Marso hanggang sa ika-31 ng Mayo upang makagaan sa mga bayarin ng mga ito. Ito ay batay sa advisory ng Energy Regulatory Commission at ng Meralco.

Screenshot mula sa video ng Meralco

Kapag ang konsumo ng kuryente ay 200 kWh pababa, ang installment plan ay hanggang anim na buwan – June 15, July 15, August 15, September 15, October 15 at November 15. Kung ang konsumo naman ng kuryente ay mahigit 200kWh, hanggang apat na buwan ito maaaring hulugan – June 15, July 15, August 15 at September 15.

Ang electricity bill na babayaran ng installlment ay hiwalay na ipadadala sa bill ng current consumption.

Ang electricity bill para sa buwan ng June ay hindi kasama sa installment. Kailangan itong bayaran sa June 30.

Ayon sa Facebook post ng Meralco, kapag hindi pa natatanggap ang bill para sa buwan ng Mayo, ang ibig sabihin nito ay hindi pa nakapag-reading ng mga metro. Ang bill para sa Mayo ay ipadadala pagkatapos ng meter reading.

Tiniyak ng Meralco na ang aktuwal na kuryenteng nakonsumo lang ang kanilang sisingilin.

Samantala, hinimok ng Energy Regulatory Board (ERC) ang mga local government units (LGUs) na payagan ang mga power distribution utilities na makapagsagawa ng meter reading sa kanilang nasasakupan upang malaman ng mga customers ang eksakto nilang konsumo ng kuryente.

Imahe mula sa Meralco

“Kaya ito, isa ring pakiusap. Kung magbabasa ng metro at ‘yun naman ay para sa kabutihan din ng ating kababayan, payagan na ng mga LGUs sana,” panawagan ni ERC chairperson Atty. Agnes Devanadera sa mga LGUs.

Ang panawagan ng ERC ay kasunod ng “bill shock” na naranasan ng mga customers ng Meralco dahil sa mataas na electric bill ngayong buwan ng Mayo.

Loading…