Meralco, iniulat na isa sa sanhi ng brownout ngayon ay ang mga sumasabit na saranggola sa kable ng kuryente

  • Isa raw sa mga sanhi ng brownout ngayon sa iba’t ibang lugar ay ang mga sumasabit na saranggola sa linya ng kuryente
  • Nasa halos 2 milyon na raw ang apektado nito kasama pa ang nasa 30 mga pagamutan sa bansa
  • Pakiusap ng Meralco, huwag na muna sanang magpalipad ng saranggola kung ayaw makaranas ng madalas na brownout

Ngayong panahon ng tag-init, mahalaga ang suplay ng kuryente sa bawat bahay. Hindi man nagkakaroon ng suliranin ang bansa pagdating sa pagkukuhanan ng kuryente dahil maraming establisimyento naman ang nakasara dahil sa enhanced community quarantine (ECQ), madalas pa rin ang brownout sa ilang lugar dahil sa ibang isyu.

Ayon sa inilabas na pahayag ng Manila Electric Company (Meralco) sa kanilang Facebook account, isa sa mga sanhi ng brownout na nararanasan ngayon sa iba’t ibang panig ng bansa ay ang mga sumabit na saranggola sa mga kable ng kuryente.

Larawan mula sa Meralco FB page

Sa pinakabagong ulat ng Meralco, nasa halos 2 milyong kabahayan at 33 na pagamutan sa bansa ang nawalan ng suplay ng kuryente dahil sa mga saranggolang sumabit sa linya. Pakiusap ng Meralco sa mga residente, agad raw na pagsabihan ang mga nagpapalipad dahil maaaring makaapekto sila sa suplay ng hindi lang isang bahay kung hind imaging buong barangay.

“At ang mga saranggolang sumabit sa aming linya ay naging sanhi ng brownout para sa 1.9M na bahay at 33 na 0spital,” post ng Meralco sa kanilang page.

Maliban dito, isa rin umano sa mga rason kung bakit naaantala ang suplay ng kuryente at dahil sa mga nag-o-overload na transformer lalo na sa mga residential area. Dahil nasa bahay lang ang karamihan, mas malakas daw ang konsumo ng kuryente sa mga lugar na ito na nagiging sanhi ng pagbigat ng demand na hindi kinakaya ng transformers.

Nanghihingi ng pang-unawa ang pamunuan ng Meralco sa mga ganitong insidente. Ayon sa kanila, dahil sa dami ng napipinsalang linya ngayon ay mas natatagalan ang kanilang tugon. Gayunman, ginagawa raw nilang lahat ang kanilang makakaya upang maaksiyunan ang lahat ng nasisirang linya ng kuryente.

Larawan mula sa YouTube

Pakiusap pa ng Meralco, sana raw ay mas maging masinop ang mga mamamayan sa pagkonsumo ng kuryente nang sa gayon ay hindi na mapinsala pa ang kanilang linya. Agad rin daw na iulat sa kanilang tanggapan ang mga insidente ng brownout.

Sa kasalukuyan, nagpapatuloy din ang maintenance ng Meralco sa ilang linya sa bansa. Nagdudulot din ito ng panandaliang power interruption ngunit para naman din umano ito kagaangan at kaligtasan ng kanilang customers.

Loading…