Metro Manila mayors naglatag ng tatlong senaryo bilang rekomendasyon pagkatapos ng ECQ sa May 15

  • Naglatag ng tatlong senaryo ang Metro Manila mayors bilang rekomendasyon sa IATF
  • Handang sundin ng mga Metro Manila mayors ang desisyon ng IATF sa kanilang rekomendasyon
  • Nauna nang sinabi ng IATF na masusi nitong pag-aaralan ang rekomendasyon ng mga alkalde ng Metro Manila

Matapos ang isinagawang virtual meeting ng mga miyembro ng Metro Manila Council na binubuo ng lahat ng alkalde sa buong National Capital Region ay naglatag sila ng tatlong scenarios bilang rekomendasyon sa oras na matapos ang ipinatutupad na enhanced community quarantine (ECQ) sa ika-15 ng Mayo.

Imahe mula kay Mayor Francis Zamora

Ipinahayag ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager na si Jojo Garcia sa isang online press briefing nitong Sabado, ika-9 ng Mayo, na ang lahat ng mga akalde sa buong Metro Manila ay “unanimous” na bumoto sa kanilang rekomendasyon.

Ayon kay Garcia, ipiprisinta ng Metro Manila Council sa Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases ang tatlong senaryo bilang rekomendasyon nila.

Aniya, ang unang senaryo ay ang pagpapalawig ng ECQ ng panibagong dalawang linggo pa o mula May 16 hanggang sa katapusan ng May.

Ang ikalawang senaryo, ang ECQ ay aalisin na at ang mas maluwag na general community quarantine (GCQ) ang paiiralin sa buong Metro Manila.

Ang ikatlong senaryo, kumbinasyon ng ECQ at GCQ kung saan papayagan ang mga local government units na magpatupad ng lockdown sa partikular na barangay o distrito kung kinakailangan.

Imahe mula sa The Filipino Times

Sa ikatlong senaryo ay mananatili sa ilalim ng ECQ ang lugar na may mataas na bilang ng COVID-19 cases at CQ sa lugar na kaunti ang COVID-19 cases.

Ayon pa kay Garcia, handang sundin ng Metro Manila Council kung anuman ang maging desisyonn g IATF sa kanilang  mga rekomendasyon.

Loading…