Metro Manila posibleng ilagay sa GCQ paglipas ng May 15

  • DILG naniniwala na mailalagay sa mas maluwag na GCQ ang Metro Manila paglipas ng May 15
  • Ang Quezon City ay mananatili pa rin sa ECQ dahil sa dami ng COVID-19 cases sa lungsod
  • Makatutulong ang pagsasailalim ng Metro Manila sa mas maluwag na quarantine protocols upang masimulan ang pagpapasigla ng ekonomiya ng bansa

Naniniwala ang Department of Interior and Local Government (DILG)  na ang Metro Manila, maliban sa ilang lugar, ay mailalagay na sa ilalim ng general community quarantine (GCQ) matapos ang pagpapatupad ng mahigpit na enhanced community quarantine (ECQ).

Imahe mula sa eCompareMo

Sinabi ni DILG Undersecretary at Spokesman Jonathan Malaya na lahat ng mga palatandaan ay nakaturo patungo sa GCQ. Aniya, makatutulong ang pagsasailalim ng Metro Manila sa mas maluwag na quarantine protocols upang masimulan ang pagpapasigla ng ekonomiya ng bansa.

Ang Metro Manila at iba pang lugar sa Luzon na may mataas na bilang ng COVID-19 infections ay pitong linggo nang nasa ilalim ng ECQ kung saan mahigpit na ipinatutupad ang social distancing at stay-at-home order upang mapigilan ang pagkalat ng coronavirus.

“It looks like ga-graduate na ang Metro Manila sa May 15. By all indications, mukhang ga-graduate na tayo at mag-GCQ na tayo. We’re testing a lot more people now, and the positive cases aren’t that high, and the data is showing good signs,” pahayag ni Usec. Malaya.

Nilinaw ni Usec. Malaya na may mga lugar sa Metro Manila na may mataas na bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 ay mananatili pa rin sa ilalim ng ECQ tulad ng Quezon City.

Imahe mula sa PNA

“But when we’re on GCQ, we may have to continue the ECQ in some areas…some areas in Quezon City will still remain in ECQ. It’s being studied by the technical working group on analytics of the IATF,” paliwanag ni Malaya.

As of 4 p.m. ng May 3, 2020, ang total number of COVID-19 cases sa bansa ay 9,223. Ang mahigit limang libong kaso nito ay nasa Metro Manila kung saan ang mahigit isanlibong kaso nito ay nasa Quezon City.

Imahe mula sa DOH

Loading…