Mga dumalo sa kaarawan ng mayor sa gitna ng ECQ, kabilang ang ilang PNP officers ay kakasuhan – PPPO director

  • Iniimbestigahan na ang birthday celebration ni Mayor Timoteo Villar III ng Sto. Tomas, Pangasinan na ginanap sa gitna ng umiiral na ECQ
  • Kabilang sa iniimbestigahan ang dalawang law enforcers na dumalo sa selebrasyon
  • Itinanggi ni Mayor Villar na may nilabag silang quarantine rules

Ipinahayag ni Pangasinan Provincial Police Office director Colonel Redrico Maranan na ang lahat ng dumalo sa selebrasyon ng kaarawan ni Sto. Tomas, Pangasinan Mayor Timoteo Villar III ay sasampahan ng kaso kaugnay sa mga paglabag sa quarantine rules.

Screenshot mula sa video ng Vdd Konstrak NSupplies

“All persons who attended the birthday party and allegedly violated the ECQ rules are being identified and charges will be filed against them,” pahayag ni Col. Maranan.

Kabilang sa mga iniimbestigahan si Mayor Villar at ang chief of police ng Sto. Tomas Police Station na si Captain Peter Paul Sison at isa pang pulis na nakita sa video na kumalat sa social media. Pansamantalang inalis sa puwesto ang dalawang law enforcers habang gumugulong ang pagsisiyasat.

Kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) spokesman na si Brigadier General Bernard banca ang isinasagawang imbestigasyon sa naturang insidente.

‘Pangasinan Police Provincial Office under Provincial Director Police Col Redrico Maranan is conducting a probe on the possible involvement of some personnel of Sto Tomas Police Station at the birthday party of Mayor on May 6, 2020,” ani Banac.

Screenshot mula sa video ng Vdd Konstrak NSupplies

Ayon naman kay Department of Interior and Local Government Undersecretary Jonathan Malaya, padadalhan nila ng show cause order si Mayor Villar upang sagutin ang akusasyon na lumabag siya sa quarantine protocols sa pag-celebrate ng kaarawan sa gitna ng ipinatutupad na enhanced community quarantine (ECQ).

Handa naman umano si Mayor Villar sa anumang imbestigasyong isasagawa. Aniya, posibleng ang isyu ay pinalalaki lang ng kanyang mga kritiko na walang magawa dahil sa lockdown.

“I am going around to see to it that quarantine guidelines are strictly complied with. Our town is so far free from COVID-19. Why should we violate the very rules that we should strictly implement?” anang alkalde.

Sa video na kumalat sa social media ay makikita si Mayor Villar na hinipan ang birthday cake na hawak ng isang pulis at isa-isang kinamayan ang mga bisita.

Screenshot mula sa video ng Vdd Konstrak NSupplies

Loading…