Mga larawan ng pagkabata ni South Korean superstar Park Seo Joon, kinatuwaan

  • Kinatuwaan ng mga netizens ang throwback photos ng kabataan ni South Korean superstar Park Seo Joon
  • Napansin ng mga tagahanga na bata pa lamang ito ay talaga namang charming na, lalo na ang ngiti
  • Nakilala si Park Seo Joon sa iba’t ibang mga South Korean tv series at movies na minahal din at sinubaybayan ng mga Pilipino

Isa sa mga kinakikiligan at hinahangaang South Korean superstar at heartthrob si Park Seo Joon, na bumida sa napakaraming mga pelikula at tv series, at bumihag sa puso ng mga nahihilig sa Korean dramas. Sino nga ba naman ang hindi mahuhulog sa guwapo, matangkad, charming at mahusay na aktor na ito?

Kaya naman, kinatuwaan ng mga netizens ang mga larawang ibinahagi sa Facebook page na “K–Drama” na nagpapakita ng mga larawan noong sanggol at bata pa lamang ang sikat na South Korean superstar. Ayon sa caption, “Park Seo Joon, everyone!”

Imahe mula sa Facebook page na K–Drama / Public Domain Image

Umani naman ito ng komento mula sa mga netizens.

“Those smiles are so adorable! Kahit noong bata pa siya, napakacharming na niya. Ang cute niya noong baby pa siya, sarap pisilin ng pisngi!” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Undeniably, Park Seo Joon is one of the charming and good–looking Korean actors of his generation!”

“I really love Park Seo Joon! Sana makita kita in person! I love you!” pahayag naman ng isa.

Bumida at nakilala si Park Seo Joon sa mga SouthKorean television dramas gaya ng Kill Me, Heal Me (2015), She Was Pretty (2015), Hwarang: The Poet Warrior Youth (2016–2017), Fight for My Way (2017), What’s Wrong with Secretary Kim (2018), at Itaewon Class (2020).

Markado rin ang kaniyang pagganap sa mga South Korean movies na Chronicles of Evil (2015), Midnight Runners (2017), at The Divine Fury (2019).

Bago pa man tuluyang bumida sa mga tv series, maituturing na debut niya sa showbiz industry ang appearance niya sa music video sa single ni Bang Yong-guk’s na “I Remember.” Napabilang din siya sa mga television dramas na Dream High 2 (2012), Pots of Gold (2013), One Warm Word (2013), at A Witch’s Love (2014).

Imahe mula sa Facebook page na K–Drama / Public Domain Image

Loading…