Mga magulang inayawan ang planong June opening ng mga private schools

  • Isinusulong ng samahan ng mga private schools na masimulan ang school year sa darating na June
  • Tinutulan ito ng maraming magulang na nag-aalala sa kaligtasan ng kanilang mga anak
  • Tinawag ng mga magulang ang desisyon ng mga private school bilang “greedy” na ang pangunahing konsiderasyon ay “profit”

Maraming mga magulang ang nagpahayag ng kanilang pagtutol sa panukala ng Federation of Associations of Private School Administrators (FAPSA) at ng Coordinating Council of Private Educational Association (COCOPEA) na simulan ang school year sa June sa kabila ng patuloy na banta ng COVID-19 pandemic.

Imahe mula sa ADNU

Ayon kay Eleazardo Kasilag, presidente ng FAPSA, ang mga member schools nila ay handing magpatupad ng “blended learning” kung saan ang mga estudyante ay tuturuan sa pamamagitan ng online media at tradisyunal na “face-to-face teaching.

“FAPSA member schools have sound connectivity and the students have the required gadget to allow them to catch up with modular lessons installed in the gadget,” pahayag ni Kasilag.

Nilinaw ni Kasilag na ang isinusulong nilang June opening para sa school year 2020-20221 ay para sa secondary, junior at senior high school lang. Ang pre-school at primary (grade 1 to 3 levels) ay sa September magsisimula.

Inayawan ng maraming magulang ang plano ng mga pribadong paaralan. Tinawag nila ang desisyon ng mga private school bilang “greedy” na ang pangunahing konsiderasyon ay “profit.”

Sinabi ng isang ina na ang tanging habol ng mga private schools ay ang kumita at hindi ang kapakanan ng mga estudyante. Aniya, mas pipiliin niyang manatili sa bahay ang mga anak upang masiguro ang kaligtasan ng mga ito.

Imahe mula sa MBC

Sinang-ayunan ito ng isa pang magulang na nagsabing hindi niya ikokompromiso ang kaligtasan ng mga anak. Kahit tumigil sila ngayong school year sa pag-aaral ay tanggap umano niya. Aniya, mahalaga para sa kanya ang edukasyon ng mga anak, subalit mas mahalaga ang kanilang kalusugan at kaligtasan.

Ayon pa sa isang magulang, dapat umanong isaalang-alang ng FAPSA at Department of Education na walang kinikita o natatanggap na suweldo ngayon dahil sa “no work, no pay” na ipinatutupad ng ilang kumpanya sanhi ng enhanced community quarantine.

Sa ganitong sitwasyon ay hindi umano kakayanin ng maraming magulang ang mga gastusin sa paaralan.

Imahe mula sa Atonibai
Source :

Tribune, ABS-CBN

Loading…