Mga negosyong hindi maglalaan ng transportasyon sa mga empleyado, hindi papayagang magbukas

  • Papayagan nang magbukas ang piling industriya sa mga MECQ areas
  • Ang mga kumpanya na hindi kayang maglaan ng libreng transportasyon sa mga empleyado ay hinimok na ipagpaliban ang pagbubukas
  • Ang public transportation ay mananatiling suspendido sa MECQ areas

Pinayuhan ng Malacañang ang mga negosyo sa mga lugar na nasa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ) na ipagpaliban ang muling pagbubukas kung hindi nila kayang maglaan ng transportasyon para sa kanilang mga empleyado.

Imahe mula sa Facility Executive

Binigyang-diin ni Presidential Spokesman Harry Roque na sa ilalim ng MECQ ay mananatiling suspendido ang public mass transportation upang maiwasan ang panganib ng 2nd wave ng COVID-19.

Aniya, ayaw ng pamahalaan na matulad ang Pilipinas sa ibang bansa na muling nagbukas ng kanilang ekonomiya at nakaranas ng 2nd wave ng COVID-19.

“We do not want to be like other countries that reopened their economies and then experienced a second wave. If the company cannot provide a shuttle or if their employees do not have transportation, they should not open yet because it is important for us to avoid a second wave,” sabi ni Roque.

“It’s a policy decision. We want to restart the economy but not at the expense of having a second wave,” dagdag pa niya.

Simula sa May 15 hanggang May 31 ay isasailalim ang Metro Manila, Laguna at Cebu City sa MECQ kung saan papayagan nang magbukas ang piling industriya.

Imahe mula sa Al Jazeera

Ang mga transportasyon na papayagan sa mga MECQ areas ay ang shuttle service na inilaan ng gobyerno para sa mga frontliners. Sa private transportation naman ay papayagan ang shuttle service ng mga private companies, personal vehicles ng mga workers, bisikleta, motorsiklo at e-scooter.

Dapat panatilihin ang physical distancing sa mga nabanggit na transportasyon.

Samantala, sa mga lugar sa ilalim ng general community quarantine, ang lahat ng public transportation at private vehicles ay papayagang bumiyahe habang mahigpit na ipatutupad ang physical distancing.

Kaugnay nito, ang Employers Confederation of the Philippines ay nanawagan sa mga kumpanya at employers na bukod sa libreng shuttle service, dapat ding bigyan ng mga ito ang kanilang mga empleyado ng face masks at vitamins upang matiyak na ligtas sila sa COVID-19.

Imahe mula sa Wheels
Source :

Philstar, Tempo

Loading…