Mga paaralan sa liblib na lugar hindi makasusunod sa online classes na mungkahi ng DepEd

  • Maraming pampublikong paaralan ang mahihirapang sumunod sa distance learning na iminungkahi ng DepEd
  • Kawalan ng internet at electronic gadgets at computers ang ilang isyu na pinoproblema ng mga guro, mag-aaral at mga magulang
  • Tiniyak ni Deped Sec. Briones na ginagawa nila ang lahat na maihanda ang bagong sistema upang makapagbigay ng de-kalidad na distance learning

Sa muling pagbubukas ng klase sa August 24, 2000 para sa school year 2020-2021, ipinahayag ng Department of Education na posibleng magkaroon ng “disruption” sa face-to-face attendance sa mga paaralan dahil sa banta ng COVID-19.

Screenshot mula sa GMA video

Magiging malaking bahagi ng pag-aaral ngayon ang distance learning upang maging tuluy-tuloy ang pag-aaral ng mga estudyante kahit nasa bahay lang sila, ngunit maraming mga guro ang nagpahayag na mahihirapan sila sa ganitong sistema.

Partikular na nagkaroon ng mga agam-agaw sa distance learning ang mga guro sa mga paaralan sa mga liblib na lugar kung saan walang internet connection, walang kuryente at kulang sa mga computers – kung mayroon may ay mga luma na.

Isang guro sa Katiguesen Elementary School sa Maguindanao ang nagsabing mahihirapan sila sa distance learning ng mga mag-aaral dahil walang internet connection at limitado ang supply ng kuryente sa kanilang lugar.

“Wala kami doong internet connection. Kahit sa kuryente, isa rin ‘yun sa mahirap. Kung mag-o-online classes po ay mahihirapan po talaga ang mga bata,” ani teacher Femme Prado.

Screenshot mula sa GMA video

Bukod pa roon, halos lahat ng mga estudyante roon ay wala naman umanong sariling computers o cellphone na kailangan sa online classes.

Sinabi naman ni teacher Minerva Caspe ng Obong Elemetary School sa Can-Avid, Eastern Samar na pagsasaka ang kabuhayan ng mga residente ng lugar kaya hindi prayoridad ang pagbili ng mga gadgets at pagpapakabit ng internet.

Sa halip na online classes, ang naisip umano ng mga guro sa naturang paaralan ay mamahagi ng learning modules sa mga estudyante.

Ayon kay DepEd Secretary Leonor Briones, naiintindihan niya ang mga pangamba at agam-agam ng mga mag-aaral, guro at mga magulang sa distance learning lalo na ang isyu ng kawalan ng internet at gadgets.

Imahe mula sa DepEd

Tiniyak niya na ginagawa nila ang lahat na maihanda ang bagong sistema upang makapagbigay ng de-kalidad na distance learning.

Hinihingi niya ang kooperasyon ng lahat na magkaroon ng bukas na kaisipan na bigyan sila ng pagkakataon sa loob ng susunod na tatlong buwan na maituro at masabi sa lahat kung paano isasagawa ang distance learning.

Source :

YouTube, DepEd

Loading…