Mga residente ng Bocaue, nagbigay-pugay kay Mayor Joni Villanueva sa pamamagitan ng mga timba at barya

Imahe mula sa Facebook | Mayor Joni Villanueva at Instagram | Joel Villanueva
  • Naglabas ng mga timba, barya, at kandila ang mga residente ng Bocaue, Bulacan bilang pagpapasalamat kay Mayor Joni Villanueva
  • Namigay si Mayor Joni ng ayudang nasa loob ng timba nitong lockdown habang nanalo naman siya sa pagka-alkalde noong 2016 sa pamamagitan ng toss coin
  • Marami ang nagpasalamat sa kaniyang patuloy na pagseserbisyo kahit pa may iniindang karamdaman

Upang ipakita ang kanilang pagpapasalamat sa namayapang si Mayor Joni Villanueva-Tugna ay naglabas ng mga timba na may nakapatong na kandila at barya ang mga residente sa Bocaue, Bulacan.

Imahe mula sa Instagram | Joel Villanueva

Sa isang Instagram post ay ibinahagi ng kaniyang kapatid na si Sen. Joel Villanueva ang ilang mga larawan ng mga residenteng nag-alay ng panalangin para kay Mayor Joni.

“At the moment all over Bocaue. Mayor Joni is right, you can never go wrong in passionately serving your people,” ani Sen. Joel.

Timba ang ginamit ni Mayor Joni upang paglagyan ng ipinamigay na 11,144 food packs bilang ayuda sa kaniyang mga nasasakupan.

“Sa timba po natin inilagay dahil sa sobrang bigat. At least, magagamit n’yo rin ang timba, Naglalaman po ito ng primera klaseng bigas, delata, pansit at tubig. Dadalhin po ito sa tapat ng inyong bahay ng mga itinalaga naming lider,” paliwanag ni Mayor Joni sa isang post noong Marso.

Samantala, ang mga barya naman ay sumusimbolo sa pagkapanalo niya bilang alkalde noong 2016 sa pamamagitan ng toss coin nang mag-tie ang kanilang boto ng katunggaling si Jim Valerio.

Imahe mula sa Facebook | Joni Villanueva

“We love you, Mayor Joni Villanueva. Timba timbang biyaya ang binigay mo noon. Timba timbang luha naman ngayon,” sabi Jennifer C.

Si Bulacan Governor Daniel Fernando sinabing nagpakita si Mayor Joni ng “new kind of leadership and humanitarian service based on her deep faith in God.” “Thank you for your love, service, and concern,” pahayag niya sa isang Facebook post.

Sabi ni Sen. Joel, kahit na-kompromiso ang immune system ng mayora dahil sa vasculitis ay patuloy itong lumabas upang magsilbi sa kaniyang nasasakupan. May 28 nang mamaalam si Mayor Joni dahil sa “sepsis secondary to bacterial pneumonia” sa edad na 42.

Loading…