Miss mo na ba ang “tusok–tusok”?

  • Natakam ang mga netizens sa ibinahaging larawan sa isang Facebook page
  • Larawan kasi ito ng mga pagkaing tinatawag na “tusok-tusok
  • Ito ay mga pagkaing itinitinda sa kalsada o street food gaya ng fishballs, squid balls, chicken balls, kikiam,  hotdog, at kwek kwek

Sa halos hinaba-haba na rin ng quarantine, marami sa mga Pilipino ang nakaka–miss na sa mga nakasanayang gawain o pagkain, na itinuturing na normal lamang, bago pa man magsimula ang COVID–19 pandemic sa bansa. Isa na rito ang paglalakad sa kalsada.

At speaking of paglalakad sa kalsada, isa sa mga hindi maaaring kaligtaang gawin para sa ilan ang pagkain ng mga sikat na street food, lalo na ang mga pagkaing mabilisan lamang kainin o tinatawag na “tusok–tusok“. Iyan ang sinariwa ng Facebook  page na “We are 90’s (Kami ang Batang 90’s).

Imahe mula sa Facebook page na We are 90’s (Kami ang Batang 90’s) / Public Domain Image

Ayon sa caption, “Oh mga batang 90’s tusok na! Huwag lang kalimutang magbayad ha.”

Makikita sa larawan ang mga karaniwang tusok–tusok tulad ng fishballs, squid balls, chicken balls, kikiam,  hotdog, at kwek kwek. Kaya tusok–tusok ang tawag sa mga pagkaing ito ay dahil sa kinakailangan itong kunin at kainin sa pamamagitan ng stick na gawa sa kawayan. Isa pa sa mga nagpapasarap nito ang sawsawang sauce, na maaaring matamis o matamis at maanghang.

Umani naman ito ng iba’t ibang komento mula sa mga netizens na mahilig kumain nito.

“Wow… nakakatakam naman! Namiss ko bigla. Sana matapos na ang ECQ na ito para naman makalabas na ulit at makakain ng mga fish balls at kikiam my favorite,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Yes… nakakamiss nang kumain ng mga ganiyan. Puro na lang sardinas at noodles ang kinakain namin. Ubos na ang relief goods hehehe.”

“Parang may piyesta kapag meron niyan eh. Tapos may malamig na malamig na palamig! Legit!” saad naman ng isa.

Bagama’t masarap naman talagang lantakan ang mga tusok–tusok street food, hinay–hinay lamang din dahil hindi rin ito maganda sa kalusugan ng tao. Bukod sa preservatives o kemikal na taglay nito, minsan ay hindi rin nakasisigurong malinis ang mga ito, lalo pa’t nakabantad ito sa kalsada.

Public Domain Image
Source :

Facebook, Pepper

Loading…