MVP, in-advance ang pagbabayad ng tax upang makatulong sa COVID-19 response ng gobyerno

  • Mga kumpanya ni MVP maagang nagbayad ng buwis sa pamahalaan
  • Umabot sa dalawang bilyong piso ang in-advance na buwis ng MVP Group of Companies sa BIR
  • Layunin ng advance payment ng tax na makatulong sa pondo ng pamahalaan sa COVID-19 response nito

Sa June 14, 2020 pa ang deadline ng pagbabayad ng buwis, subalit nagbayad na ang mga kumpanyang pag-aari ni Manny V. Pangilinan (MVP) ng halagang dalawang bilyong piso upang makatulong sa pondo ng gobyerno sa pakikibaka nito sa COVID-19 pandemic.

Imahe mula sa MVP Group of Companies

Kabilang ang Maynilad Water Services, Inc. sa mga nasabing kumpanya ni MVP na nagbayad ng buwis na nagkakahalaga ng P613 million.

Ipinahayag ng tagapagsalita ng MVP Group of Companies na si Mike Toledo na inaprubahan ni Pangilinan ang maagang pagbabayad ng buwis sa Bureau of Internal Revenue (BIR).

“Okay, yes, go ahead. Let’s pre-pay to help BIR,” ang sabi umano ni MVP. ayon kay Mike Toledo.

Ani Toledo, ang desisyon ng maagang pagbabayad ng mga obligasyon ay sa kabila ng mababang koleksyon nila mula sa mga customers, na umaabot lang ng 20% hanggang 25% dahil sa umiiral na health crisis.

Ang Philex Mining Corp., isa pang subsidiary ng MVP Group of Companies (MPIC), ay nagbayad  ng P30.2 million income tax noong Biyernes, ika-8 ng Mayo, bilang suporta sa drive ng Department of Finance at ng BIR na magkaroon ng mas maraming revenue upang labanan ang COVID-19.

Imahe mula sa People ASia

Hindi lang sa pamamagitan ng maagang pagbabayad ng buwis nais tumulong ni MVP sa pamahalaan.

Planong doblehin ng Metro Pacific Hospitals Holdings Inc. ang bed capacity ng labinglima nitong mga hospitals para sa mga COVID-19 patients. Itinalaga rin nito ang kanilang Our Lady of Lourdes Hospital sa Sta. Mesa, Maynila bilang main referral facility para sa mga COVID-related cases.

Sinabi ni MVP, na ia-upgrade nila ang kanilang mga laboratoryo upang makapagsagawa ng mas maraming COVID-19 tests.

“Because that’s what we have committed to the government, that we will help them increase the testing capacity of the country from the current sub-10,000 tests per day to their target of 30,000… if the government relaxes the quarantine, the testing has to proceed,” ani MVP.

Imahe mula sa Bilyonaryo

 

Source :

Tribune, Philstar

Loading…