Nadisgrasyang delivery man, customer pa rin ang mas inuna kaysa ang sariling kapakanan

  • Isang kaawa–awang sitwasyon ng isang delivery man sa Malaysia ang pinag–usapan ng mga netizens
  • Nadisgrasya kasi ito sa daan habang naghahatid ng mga orders para sa naghihintay na customer
  • Sa halip na itakbo ng delivery man ang kaniyang sarili sa pinakamalapit na pagamutan, muli siyang tumayo at sinuri ang laman ng kahon upang ipagpatuloy ang kaniyang paghahatid 

Lubusang naging patok ngayon ang mga delivery apps na talaga namang nagbibigay ng convenience sa mga customers, lalo na sa panahon ng enhanced community quarantine kung saan nililimitahan ang paglabas ng mga bahay kung hindi naman kinakailangan. Sa kabila nito, may mga balita pa ring umuusbong ng “hindi makataong” pagtrato sa mga naghahanapbuhay na delivery man, sa pamamagitan ng pagkakansela ng customers sa orders.

Kaugnay nito, naiiba ang kuwento ng isang delivery man sa bansang Malaysia, na talaga namang pinag–usapan ng mga netizens. Siya ay delivery man ng app na “Food Panda”.

Sa kabila ng malakas na buhos ng ulan at walang pananggalang sa katawan, matiyaga pa rin niyang sinuong ito upang mai-deliver ang order sa kaniya ng customer.

Public Domain Image

Subalit hindi inaasahang pangyayari ang naganap. Dahil madulas umano ang daan, sumemplang ang motorsiklo ng delivery man at tuluyan siyang napatimbuwang, gayundin ang kahong naglalaman ng order ng customer.

Sa halip na itakbo ng delivery man ang kaniyang sarili sa pinakamalapit na pagamutan, muli siyang tumayo at sinuri ang laman ng kahon. Tiniyak niyang nasa maayos na lagay ang mga orders, at muling sumakay sa kaniyang motorsiklo, hindi upang magpa-check up, kundi upang ihatid ang mga orders na inaasahan ng kaniyang naghihintay na customer.

Panawagan ng netizen na nagbahagi nito sa Malaysia, sana raw ay huwag kaagad husgahan ng mga customers ang mga delivery man ng mga online delivery apps kung nahuhuli sila sa oras ng paghatid ng order, dahil hindi raw nila alam ang pinagdadaanan ng mga ito.

Public Domain Image

Sa Pilipinas, ganiyan din ang nangyayari. May mga customers na inaaway o binubulyawan ang mga nahuhuling delivery man. O kaya, ang pinakamalala, nagkakansela ng mga orders lalo na kung medyo malaki–laki ang halaga nito.

Loading…