Nag-iisang COVID-19 testing center sa Bicol nasalanta ng Bagyong Ambo; testing machine, napinsala

  • Napinsala ng Bagy0ng Ambo ang nag-iisang C0VID-19 testing center sa Bicol
  • Nagkapr0blema raw sa isang bahagi ng testing machine na kailangan muna nilang ayusin
  • Ililipat muna sa RITM sa Maynila ang mga specimen na hindi pa nate-test ng testing center sa Bicol

Hindi pa man nakababangon ang bansa mula sa naidulot ng pandemyang C0VID-19, sinubok muli ang katatagan ng maraming Pilipino nang tumama ang unang bagy0 para sa taong ito, ang Bagyong Amb0 na dumaan sa Visayas at Luzon.

Nasa panahon pa ng tag-init ang bansa ngunit isang malakas na bagy0 na ang bumayo sa maraming lugar sa bansa, kabilang na ang Bicol. Sa rehiyon ay nagparamdam ng bagsik si Ambo na nakapinsala, hindi lamang ng mga tahanan, kung hind imaging ang nag-iisang C0VID testing facility sa rehiyon.

Larawan mula sa PNA

Ayon sa ulat ng Department of Health (DOH), pansamantalang ihihinto ang pagpapatakbo sa Bicol Regional Diagnostic and Reference Laboratory (BRDRL) dahil sa pinsalang naidulot ni Ambo sa nasabing pasilidad. Nagkaroon din ng sira ang isang bahagi ng C0VID-19 testing machine doon.

“The Department of Health Center for Health Development – Bicol would like to inform the public that the Bicol Regional Diagnostic and Reference Laboratory (BRDRL) will temporarily stop operati0ns starting tomorrow, May 16, 2020. The exhaust duct of the biosafety cabinet of the laboratory was damaged by Typh0on Ambo,” pahayag ni DOH Bicol Director Dr. Ernie Vera.

Kung hindi pa raw maaayos ang exhaust duct ng testing machine, hindi raw mapoproseso ang mga samples na dadalhin sa laboratoryo. Hindi pa raw nila matitiyak kung kailan maibabalik sa normal ang pag-test sa nasabing pasilidad.

Dahil sa paghinto ng operasy0n ng BRDRL, mayroong nasa 143 samples ang hindi na nila mate-test. Ililipat na lamang daw muna ang samples sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) sa Maynila upang malaman ang resulta.

Larawan mula sa PNA

“The test results of the same shall be posted as soon as available. This is to ensure that all samples are tested within the allowable life span of the specimen,” pagpapatuloy ni Vera.

Nakapagpo-proseso ang BRDRL ng hanggang 30 specimen kada araw bago ito napinsala ni Ambo. Prayoridad ng testing center ang mga nasa high-risk group at iyong may mga malalang sintomas ng C0VID-19.

Loading…