Naglalaro ng 7-8 oras kada araw: 90-year-old na lola, pinangalanang “Oldest Gaming YouTuber” ng Guinness

  • 90-anyos na lola, pasok bilang “Oldest Gaming YouTuber” sa Guinness World Records
  • Nakapaglalaro pa rin si Hamako Mori ng 7-8 oras kada araw
  • Aniya, “I am truly enjoying my life — it’s rosy”

Pinatunayan ng isang 90-taong gulang na lola na “kalabaw lamang ang tumatanda” dahil nakasusunod pa rin ito sa mga uso at makabagong teknolohiya partikular sa paglalaro. Kaya mo ‘yun?

Image by Guinness World Records via YouTube

Kamakailan, pinarangalan ng Guinness World Records ang Haponesang si Hamako Mori na mas kilala bilang “Gamer Grandma” bilang “Oldest Gaming YouTuber.”

Sa edad kasi na nobenta ay patuloy na ipinapakita ni Hamako ang kanyang husay sa paglalaro at regular siyang nag-a-upload ng kanyang gaming session sa YouTube, maging ang unboxing ng kanyang mga bagong kagamitan sa paglalaro.

Mayroon nang higit 250,000 subscribers ang lola sa kanyang YouTube channel na sinimulan noong 2015.

Sabi ni Hamako sa bidyong ibinahagi ng Guinness, nasa 39-taon na siyang naglalaro at hindi umano siya mahusay noong una at palaging natatalo pero gustong gusto niya ang pakiramdam kapag natatapos ang isang laro.

Sa kasalukuyan, umaabot siya ng pito hanggang walong oras sa paglalaro pero mas matagal ang ginugugol niya noong mas mababa pa ang kanyang edad.

Nasabi rin niya na noong una ay hindi siya naglalaro ng mga aksyon pero gustong gusto na niyang i-stream ang mga ito sa platform.

Paborito nito ang Grand Theft Auto series, at naglalaro ng Dauntless.

Pagbabahagi niya sa karanasan sa paglalaro ng Dauntless, “After I started playing this, it was such fun, and I couldn’t stop. I can’t look at any other games as it’s all about this one. Sometimes, I end up playing until 2 a.m.”

Image by Guinness World Records via YouTube

Ibinahagi rin niya ang kanyang koleksyon ng mga sinaunang laro na naging bahagi na ng kanyang buhay sa mundo ng paglalaro.

“After living for this long, I feel more than ever that playing games for this long was the right choice. I am truly enjoying my life — it’s rosy.”

Panoorin ang video mula sa Guinness World Records:

Loading…