Nakakita ka na ba ng ibong tila lumilipad-lipad na bulak?

  • Kinatuwaan ng mga netizens ang isang ibong tila lumilipad-lipad na bulak na talaga namang napaka–cute
  • Tinatawag itong “Long-Tailed Tit” na karaniwang makikita sa ilang mga piling bansa sa Europa at Asya
  • Isa ang Hokkaido, Japan sa mga lugar na kakikitaan ng naturang uri ng ibon

Isa sa magagandang senaryo na maaaring makapagpawala ng pagod at makapagbigay ng kasiyahan sa isang tao, sa paggising niya sa umaga, ay ang paglipad–lipad ng mga ibon sa himpapawid, o kaya nama’y paghuni nila habang nakadapo sa mga puno, bintana ng bahay, o maging sa bakuran. Ngunit nakakita ka na ba ng ibong kahalintulad ng bulak o cotton?

Kahit galugarin mo man ang mga puno sa iyong paligid, hindi ka makahahanap nito, dahil matatagpuan lamang ito sa ilang mga piling bansa sa Europa at Asya. Tinatawag ito “Long-Tailed Tit” na nagtataglay ng fluffy white feather coat, na mistulang mga bulak na tinatangay ng malakas na hangin. Karamihan sa kanila ay makikita at nananahan sa wildlife areas ng Hokkaido, Japan.

Imahe mula sa Instagram / Public Domain Image

“This unique feature makes them look like a flying cotton ball, with black tails and wings. It looks like it came straight out of an animated 3D cartoon. These adorable little birds have owned their own unique name, Shima-enaga bird. It literally translates to “long-tailed island” bird, which is pretty much accurate,” ayon sa page na AUKOD na isinulat ni Sanduni Yureka noong Abril 29, 2020.

Ang naturang ibon ay tinatawag na “insectivorous” o kumakain ng mga maliliit na insekto. Ang habitat nito o tirahan ay kadalasang sa mga mixed woodland na may well-developed shrub layer. Maaari din silang matagpuan sa mga  shrub, mga kalat–kalat o magkakalayong puno, bushes at hedges, sa mga puno sa parke and gardens. Ang pugad nito ay yari sa apat na materyal — lichen, feathers, spider egg cocoons, at moss.

Dito sa Pilipinas, marami tayong mga ibon na kailangan nang protektahan dahil nasa kategorya na ng mga nanganganib na specie o “endangered species” katulad ng kalaw, lawin at agila. Karaniwan naman sa atin ang mga maya na palipad–lipad lamang sa mga puno, na maaaring sa lungsod o mga nayon.

Imahe mula sa Instagram / Public Domain Image

Loading…