Nakita mo na ba ang “The Crooked House” sa Poland?

  • May sikat at kakaibang estruktura na matatagpuan sa Sopot, Poland
  • Ito ay tinatawag na “Krzywy Domek” o may salin sa wikang Ingles na “The Crooked House”
  • Kung titingnan, ang disenyo ay kahalintulad ng isang bagay na gumegewang–gewang

Kung nahagip ng iyong mga mata sa social media, o maging sa personal ang mga estruktura sa Poland na akala mo ay tila “lasing” na nakatayo at tila gumegewang–gewang? Huwag kang magtaka sa iyong paningin, o isiping may pagyanig, o gawa–gawa lamang ito ng iyong ilusyon. Tunay ito at ganito talaga ang pagkakayari nito.

Itinuturing na “most photographed building” ang The Crooked House na matatagpuan sa Rezydent Shopping Center sa Sopot, Poland. Dinisenyo ito ng Polish architect na si Szotynscy Zaleski, na na–inspire sa fairytale illustrations ni Jan Marcin Szancer at artwork ni Per Dahlberg. Ito ay may laking 4,000 square meters.

Public Domain Image

Ang iba pang mga detalyeng nagpapaganda sa estruktura, bukod sa kakaiba nitong anyo, ay ang makulay na stained glass entrances, stone elevation decors at windows framed na may sandstone. Kakaiba rin ang bubungan nito na may blue-green enameled shingles, na sadyang ginawa upang magkaroon ito ng impresyong mala–dragon. Mas pantastiko ang anyo nito pagsapit ng gabi at binuksan na ang mga ilaw at aranya, sa loob at labas nito.

Narito ang ilang mga komento ng mga netizens sa naturang The Crooked House.

“Amazing structure! Well, needed to be careful of the stability of the hollow blocks…” turan ng isa.

Sabi naman ng isa,”It would be interesting to see the interior and to know whether the fascia is part of the structure. Similar to ‘Dancing House’ (Fred and Ginger) in Prague.”

“This boggles my mind. I cannot imagine the blue prints much less the complex construction! I am planning to visit it this year, if the COVID–19 pandemic is gone,” pahayag naman ng isa.

Bukod dito, kilala rin ang bansa sa “Upside–Down House” na mistulang nakabaligtad na bahay, na matatagpuan naman sa Szymbark, Poland.

Public Domain Image

Samantala, ang nabanggit namang “Dancing House” sa Prague, Czech Republic na tinatawag ding “Fred and Ginger” ay isang gusaling may istrukturang tila matutumba rin, ngunit sadyang ganito talaga ang disenyo nito. Kaiba naman sa sikat na “Leaning Tower of Pisa” sa Italy na kusang tumabingi dahil hindi kinaya ng pundasyon ang kabuuang bigat nito.

Loading…